Tuesday, April 7, 2020

BAYAN MUNA, Hindi Sangayon sa Pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na Kulang sa Pondo ang Gobyerno




MANILA, Philippines – Hindi sumangayon sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang grupong party-list ‘Bayan Muna’ na ang gobyerno ay kulang sa pondo na kinakailangan upang matugonan ang mga pangangailangan sa gitna ng COVID-19 pandemic. Iginiit ng grupo na kailangan lang umano ng Pangulo na tingnan ang 2020 budget.

Ayon kay Bayan Muna Leaders Rep. Carlos Zarate at chair Neri Colmenares, ang pagkaantala ng social amelioration program ng gobyerno ay hindi dahil sa kakulangan sa pondo, gayong ang RA No.11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act ay nagbigay kay Pangulong Duterte ng dagdag na kapangyarihan.


Dagdag pa ni Zarate at Colmenares, dahil umano ito sa hindi epektibo ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“It is not true that the reason for the confusion and the failure to give financial assistance to people is because there are no funds.   He promised us that he will be able to get all the funds, if we give him emergency powers through the Bayanihan Law. But until now, many are still left without help from government,” pahayag ni Zarate nitong Martes (April 7).


“There are billions in the budget that are yet untapped which were actually contained in his Report but President Duterte is very slow and inefficient in tapping these funds,” dagdag pa ni Zarate.
Pahayag pa ni Colmenares, naglalaro lang umano ang Pangulo sa publiko para magmukha itong kaawa-awa.

“It is not true that there are no funds to support the Php 270 Billion outlay for the amelioration fund. Nagpapaawa lang sya kunyari para matabunan ang kapalpakan nya,” paliwanag ni Colmenares.


“President Duterte does not want to admit that his administration is slow in responding to the crisis and  has not been able to give the necessary funds to the LGUs as well as the 18 Million families he promised to help when he asked Congress to pass the Bayanihan Law,” dagdag pa ni Colmenares.