Manila,
Philippines – Layunin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maglikom ng
P17 million mula sa sahod ng bawat miyembro ng AFP na nasa payroll ng military
upang ibigay bilang donasyon laban sa novel coronavirus disease (COVID-19).
Ayon sa
pahayag ng AFP nitong Martes, April 7, ang mga donasyon ng 140,000 AFPs ay
mapupunta sa Office of Civil Defense (OCD) para makakuha ng mga kagamitang pang
medikal at mga supplies.
Bawat
miyembro ng AFP simula sa pinakamataas na ranggong Heneral, hanggang sa
pinakamababa na ranggo na sundalo ay magbibigay ng kontribusyon ng ilang porsyento
sa kani-kanilang mga sahod sa buwan ng Mayo.
Bukod dito,
magbibigay din ng kontribusyon ang mga kadete sa Philippine Military Academy,
probationary officers at kandidatong sundalo, ng porsyento sa kanilang sahod.
Samantala,
si AFP chief Gen. Felimon Santos Jr. naman ay magbibigay ng pitong (7)
porsyento ng kanyang sahod, o di kaya’y P10,484, habang ang pinakamababang
ranggo naman na sundalo na mayroong ranggo na private, airman o apprentice ay
magbibigay ng P100 bawat buwan mula sa knilang sahod.
“With this
amount drawn from our individual base pays for a month, we hope to augment
scarce government resources,” pahayag ni Santos.
“Through
this humble gesture of AFP solidarity and unwavering support to the government
it is sworn to protect and defend, we aim to share the burden in the nation’s
fight against the contagion,” dagdag ni Santos.
Kagaya rin
ng ibang military sa ibang bansa, nagsisilbi sila sa gitna ng banta ng COVID-19
bilang mga frontliners.
Ang mga
sundalo naman ay inaatasang tumulong sa pagpapatupad ng enhanced community
quarantine. Samantala, ang mga sasakyan naman ng military - panghimpapawid, barko, at mga truck ay ginagamit sa paghahatid at paghahakot ng mga
kagamitan at tao. Kinakailangan din ang serbisyon ng mga sundalo lalong lalo na
sa pag-buo ng mga pasilidad para sa mga pasyente ng COVID-19.