Photo: Barangay San Vicente courtesy of the Tarlac Provincial Community Affairs & Devt Branch (PCADB) |
Manila,
Philippines – Makakatanggap ng 700 packs na powdered milk ang mga maralitang
maybahay ng San Vicente village at ilan pang mga barangay mula sa kapulisan ng Tarlac
upang makatulong sa crisis na dala ng COVID-19 lalo na’t aabot hanggang April
30 ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Ayon sa
ulat, ang mga makakatanggap ng nasabing ayuda ay ang mga pamilyang may mga
alagang sangol at bata na hindi lalagpas sa apat (4) na taong gulang.
Photo: Tarlac Provincial Community Affairs & Devt Branch (PCADB) |
Samantala,
ang San Vicente ang tagapangasiwa ng ‘Pulis Kalinga Village’ kung saan naman
maraming kapulisan ang nakatalaga sa Camo Macabulos. Ayon kay Police Major Jim
Tayag na kumikilos bilang chief ng Tarlac police’s provincial community affairs
and development branch , ang mga kapitbahay umano ng mga kapulisan ay humihingi
ng gatas.
“Naisip ko
ito as initiative kasi ang tatay o nanay, kapag nakikita na wala nang gatas o
walang mapakain sa bata, iba yung pakiramdam nila, hindi ba? At baka mapilitan
silang kumapit sa patalim, o makagawa ng masamang bagay basta may mapakain lang
sa anak nila lalo na ngayong nasa Extreme Enhanced Community Quarantine ang
Tarlac,” pahayag ni Tayag.
May
tinatayang isang daang (100) packs ng gatas na ang naipamigay sa mga bata bg
San Vicente nitong Martes (April 7) lamang sa tulong naman ni Mark Turla na
nagpapangasiwa sa mga relief operations. Ayon pa kay Tayag, may isang donor
umano ang nagbigay ng mga milk packs na nagkakahalaga ng P20,000 sa parehas
ding araw.
Plano din
naman ng mga pulis na mamigay ng mga gatas sa iba pang lugar sa Tarlac.