MANILA,
Philippines – Inaprobahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng
enhanced community quarantine sa buong Luzon na aabot hanggang April 30.
Pinahayag naman ito ng interagency task force ngayong Martes, April 7.
“Yung
enhanced community quarantine is until April 30, 11:59 p.m. Ito po ang
rekomendasyon na tinanggap ni Pangulong Duterte,” pahayag ni Cabinet Secretary
Karlo Nograles na spokesperson ing Inter-Agency Task Force (IATF) para sa
Management of Emerging Infectious Disease.
Kinompirma
naman ito ni Nograles sa virtual briefing - “Pagkatapos ng kanyang
announcement, vinerify po namin ulit. The enhanced community quarantine is
hereby extended until 11:59 pm, April 30.”
Dagdag pa ni
Nograles na mananatili ang epekto ng mga guidelines para sa pag implementa ng
quarantine maliban na lang kung babagohin ito ng Pangulo.
“Provided,
that all exemptions granted by the Office of the President or the IATF shall
continue to be in effect for the duration of the extended ECQ. Provided further
that such extension of the ECQ shall be without prejudice to the discretion of
the President to relax the implementation of the ECQ in some local
jurisdictions, or the granting of exemptions in favor of certain sectors, as
public health considerations and food security may warrant,” ayon pa kay
Nograles.
Naihayag din
ng Pangulo sa kanyang talumpati nitong Lunes ng gabi na malamang na palawigin
pa ng gobyerno ang mga hakbang sa striktong kwarantenas.
Gayon pa
man, ang hakbang na ito ay magsususpende ng mga public transportation, ang
pagbabawal sa malaking pagpupulong, pansamantalang pagsasara ng mga iilang
negosyo maliban sa mga kailangan ngayong krisis tulad ng ospital, drug store,
groceries, at iba pang establisyemento na nagbebenta ng mga pangangailangan ng
tao.