Ngayon lamang Linggo, April 5,
inanonsyo ng Malacañang na ibibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang
isang buwang sahod para sa pagsisikap ng gobyerno na malunasan ang krisis na
bunga ng coronavirus disease (COVID-19).
Inihayag ito ni spokesperson
Salvador Panelo matapos nitong kumpirmahin na nangako ang mga miyembro ng Gabinete na
magbibigay ng 75 pursyento ng kanilang buwanang sahod nitong buwan ng April
hanggang December bilang donasyon sa COVID-19.
“The Palace confirms that many of the
members of the President’s cabinet have pledged to cut 75% of their monthly
salaries from the month of April to December of this year,” – Panelo.
“The President is likewise donating
his one month salary for the cause,” pahayag ni Salvador Panelo na isa ring
Presidential Legal Counsel.
Nabanggit din ni Panelo na nag-alok
ang mga assistant secretary ng kanyang opisina na magbigay ng donasyong 10
pursyento ng kanilang income sa Office of the Civil Defense (OCD) bilang tulong
sa nasabing COVID-19 crisis.
“Assistant Secretaries of the Offices
of the Chief Presidential Legal Counsel and Presidential Spokesperson have
likewise committed to donate at least 10% of their income directly to the
Office of Civil Defense this month,” pahayag ni Panelo.
Dagdag pa dito, nabanggit din ni
spokesperson Salvador Panelo nag ang mga assistant secretary ay magpapatuloy sa
pagbibigay ng pinansyal at tulong mula sa kanikanilang mga sahod sa mga tao o
mga grupong nasa frontline sa mga susunod pang buwan.
“The President is all ears and eyes on
this unfolding reality and expert opinions. He is evaluating the best option to
take that will effectively insure the success of our war against this wily and
faceless global enemy. He will make his decision in due time,” dagdag ni
Panelo.