Sa gitna ng
pagdami ng mga naapektohan ng COVID-19, hindi maiiwasan ang kakulangan sa mga
pangangailangang medikal. Isang artista naman ang nagpamalas ng pagkukusang
gawa kahit may mga ayuda nang dumating sa bansa. Ano pa ba’t may mga artista
talagang may malinis at maayos na hangarin sa kanyang kapwa. Bukod kay Pokwang
na naghahanda ng pagkain ng mga frontliners, si Bea Alonzo naman ay tumulong na
rin sa pamamagitan ng paggawa ng face shields na magsisilbing proteksyon sa mga
health workers para labanan ang COVID-19 sa bansa.
Pahayag ng
aktres nitong April 4 sa kanyang instagram - “So, yesterday, we decided to
create face shields for the frontliners.”
Habang
binubuo naman ng aktres ang mga face shield gamit ang materyales, nakasuot
naman siya ng gloves at face mask tulad ng nakikita natin sa larawan sa kanyang
post sa Instagram.
Pinasalamatan
naman ni Bea Alonzo ang nag bigay ng donasyon na si Cathy Binag para sa 2,000
raw materials upang magawa ang shields at ang 100 galon na ethyl alcohol. Ang
aksyong ito ay pinangunahan umano ng ‘I Am Hope Organization’ na si Rina
Navarro na naging kasama ni Bea sa Cinema Evaluation Board.
Bukod sa mga
face shields, nagbalot din ang grupo ni Alonzo ng mga relief goods.
“Maliit na
tulong ito kumpara sa ginagawa para sa atin ng ating magigiting na
frontliners!” dagdag ni Bea Alonzo.
Tinukoy
naman ni Bea Alonzo an gating mga frontliners na “OUR REAL LIFE HEROES”.
Samantala,
sinimulan ang organisasyon ni Alonzo at Navarro para manindigan din ang aktres
sa mga frontliners.
Bukod kay
Bea Alonzo, may mga aktres naman na nagbigay na ng tulong at suporta sa mga
health workers sa kanilang kinakaharap na tungkolin. Isa na dito si Angel
Locsin na nagbigay ng mga tents at si Anne Cutis, na nagbigay naman ng mga
surgical gloves at alcohol sa mga ospital.