Sunday, April 5, 2020

Opisyales ng Gobyerno ng Manila, Magbibigay ng Kanilang Sahod Bilang Donasyon para sa PGH




Manila, Philippines – Magbibigay ng kani-kanilang sahod sa buwan ng Abril bilang donasyon ang mga top officials ng lokal na gobyerno ng Maynila sa Philippine General Hospital (PGH) para matulongan ang pasilidad sa laban nito sa COVID-19 pandemic.

Pahayag naman ng Manila public information office nitong Sabado ng gabi na ang aksyong nangyari ay paraan lamang ng pagpapakita ng pakiki-isa at pakikiramay sa mga health workers ng bansa na nasa frontline sa laban para sa COVID-19.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, aabot sa P4.7 million ang pinagsamang sahod mula sa alkalde ng lungsod, vice mayor, councilors, at ilang mga congressmen, ang maibibigay sa  PGH ngayong buwan.

 “In our own little way, we hope that this can strengthen the capacity of our front liners, particularly those in the health sector,” dagdag ni Moreno.

Sa ulat, sinabi ni Moreno, bukod sa kanya, ang mga nagbigay pa ng kanilang sahod bilang donasyon ay sina Vice Mayor Honey Lacuna, House Minority Leader Rep. Benny Abante, Buhay Party-list Rep. Lito Atienza, at mga councilor na sina Manny Lopez, Rolan Valeriano, at Yul Servo Nieto.