Manila,
Philippines – Tumanggi si Pangulong Rodrigo Duterte na nagbigay siya ng utos na
shoot-to-kill laban sa mga lumabag sa quarantine na nanggugulo.
“I never
said in public shoot to kill. Period.” – Sabi ni Pangulong Duterte.
Pinaliwanag
din ng pangulo ang kanyang mga sinabi ay kondisyonal. Aniya, maari lamang itong
gawin ng mga kapulisan at mga military “KUNG” malalagay sa delikado ang
kanilang mga buhay.
“Military at
pulis, you overcome. Ayaw niya? Eh di hawakan mo ang kamay. Kung lumaban ka,
ang sinabi ko, at this start of this statement sinabi ko, pag lumaban ka at
inilagay sa delikado ang buhay ng pulis, barilin mo. Patayin mo. Ayan ang
batas,” sabi ng Pangulo.
Nilinaw din
ng Pangulo na hindi sya gagawa ng walang ingat na pahayag.
“The
responsibility of the person being arrested by the police, ang responsibility
mo is to submit to the police. Pag sinabi ng police na sumama ka, you have to
go. You cannot fight it out. Kung valid ang pag aresto sa’yo,” sabi pa ng
Pangulo.
Dagdag pa ng
Pangulo na maaring pakawalan sila ng pulis kung hindi tama o wasto ang
pagkakaresto.
“Ang pag
aresto, does not end there. Di ‘yan matapos pag sinabi ng pulis na arestado ka.
The police will bring you to the police station. Ang batas ang nagsabi, pag
hinuli mo, you have to overcome ang resistance. Kapag na resist itong taong
inaresto, anong gagawin mo? Kaya ang batas nagsabi, pag nag resist, kailangan
ang pulis must overcome,” paliwanag pa ng Pangulo.