Saturday, April 4, 2020

Halos 200 Congressmen, Magbibigay ng kanilang Sahod bilang Donasyong Tulong sa Gobyerno Laban sa COVID-19 Crisis





MANILA, Philippines – Nagpahayag si House Speaker Alan Peter Cayetano nitong Sabado na magbibigay ng donasyon ang halos 200 na mambabatas sa House of Representatives. Ang nasabing donasyon ng mga ito ay ang kanilang kabuoang sahod para sa buwan ng Mayo, at maglilikom ng 50 milyong piso upang matulongan ang gobyerno sa laban nito sa COVID-19 crisis ng bansa.

“Almost 200 congressmen will donate our full sweldo ng May. Ang initial target ay P50 million,” – Pahayag ni Cayetano sa isang virtual press conference nang tanungin ang senador kung ang mga miyembro ng House ay magbibigay din ng kani-kanilang sahod bilang donasyon para sa laban sa COVID-19 katulad ng mga ginawa ng iba pang miyembro ng Cabinet.



“We want to use the money where it will be most effective,” dagdag ni Cayetano.

Ayon pa kay Cayetano, magbibigay muli ng donasyon kung sakaling magtuloy-tuloy ang COVID-19 crisis hanggang sa buwan ng Hunyo.

“May muna pinagusapan namin, hopefully hindi umabot ng June pero ‘pag umabot pa, then we will make a second call,” ayon kay Cayetano.

Nabangit naman ni Cabinet Secretary Karlo Nograles kumakailan lang na nangako ang mga miyembro ng Cabinet na bulontaryo silang magbibigay ng 75 percent ng kanilang buwanang sahod bilang pantulong sa gobyerno dahil sa COVID-19 outbreak.