Photo Courtesy of Joey Sarte Salceda |
Manila,
Philippines – Nanawagan si House Committee on Ways and Means chair Joe Salceda
sa isang dalawang linggong ekstensyon ng enchanced community qyarantine (ECQ)
sa Luzon.
Ayon sa
pahayag ni Salceda, ang hindi napapanahong pag-alis ng ECQ ay labag sa siyensya
at hindi nakabubuti sa kalusugan ng mamamyan pati na rin ang tyansa na bumalik
sa wala.
"A
premature lifting of the ECQ would not be good for the economy. It will not
fulfill our public health objectives. And it risks getting us back to square
zero in terms of our progress in fighting this disease.” – Salceda.
Dagdag pa
niya, may mga kritikal na bagay na dapat isaalang-alang. Ang mga ito ay
mobility, isolation, at tendency.
"The
ECQ has significantly reduced mobility. You can see that in reduced energy
consumption and in reduced demand for fuel. So, people are no longer moving
around carrying the virus as much as they would have. – Salceda.
“The second
critical factor is what we call isolation tendency. It’s how much you isolate
confirmed and suspected cases from the rest of the population. And that only
increases once you know who are COVID-positive in the first place, through mass
testing.” – Salceda.
Dagdag pa ni
Salceda, para maiwasan ang premature lifting, iminungkahi nila na ipatupad ang
anim (6) na linggong shutdown. Sa paraang ito, maiiwasan umano ang posibilidad
ng pagkakaroon ng malawakang bagong kaso ng impeksyon.
“The Bill
and Melinda Gates Foundation says we can keep lockdowns to six to 10 weeks, if
countries do well. The Hubei lockdowns which worked remarkably were 6 to 8-week
shutdowns. And Northern Italy has been on lockdown since March 9, with no end
in sight yet.” – Salceda.
Nanawagan
muli si Salceda para sa massive testing ng COVID-19 para matukoy kung ilan na
ang mga naapektohan at gaano karami ang maari pang maapektohan kung sakaling
hindi pa ma - kompronta ang hindi nakikitang kalaban.
“We have not
yet confronted the enemy or have fully grasped its dimensions. We do not yet
fully know the size of its territory or the magnitude of its full impact. We
must increase our testing by at least 10,000 specimens per day, contact trace
and isolate with the best logical and technological means available.” –
Salceda.
"We
must identify infection clusters with data from mass testing and intensified
contact tracing, and confront the virus where it is." – Dagdag ni Salceda.
"Kung
papasok ito sa mga kasaluksulukan ng mga kalungsuran dito sa Metro Manila,
napakaraming masasawi, napakaraming kawawa." – Salceda.
"Kung
aalisin natin ang community quarantine na ito, makakasalamuha ng mga
manggagawa, lahat magpapaikot-ikot, sa public transportation, sigurado ako kung
ano yung dinaranas ng New York, kung anong dinaranas ng Italy, kung anong
dinaranas ng United Kingdom, at sa mga iba pang lungsod, mas masahol pa ang
aabutin natin dahil mas densely populated ang Metro Manila," dagdag pa ni
Salceda.