Monday, April 20, 2020

Lalaking Nagbebenta ng Quarantine Pass at Namemeke ng Pirma ng Pangulo, TIMBOG


Manila, Philippines – Isang lalaki ang nahuli ng mga awtoridad dahil sa pamemeke ng pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte. Bukod dito, napag-alaman din na ang lalakeng ito ay nagbebenta ng quarantine pass sa Laguna.



Ang suspek na si Marvina Cuna ay nagbebenta ng quarantine pass sa halagang P1,500 hanggang P3,000 ayon sa sinabi ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na naiulat naman ni Vonne Aquino ng ’24 ORas’ ngayong Sabado lamang, April 18.

Dagdag pa sa pagbebenta ng quarantine pass, si Cuna ay pineke din ang pirma ng Pangulo na natagpuan naman sa mga dala nitong dokumento nang magpakilala itong miyembro ng Inter-Agency Task Force. Itinaggi naman ng Office of the President ang koneksyon sa kanila ni Cuna.

Si Cuna ay nahaharap sa reklamong paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act 2020 at pati na rin sa falsification of documents.