Monday, April 20, 2020

ECQ Violators sa Caloocan City, Pinaglakad ng Mahigit Isang Oras



Manila, Philippines – Nahuli ang mahigit 200 na lumabag sa protocol ng enhanced community quarantine nitong Sabado, April 18, sa Caloocan City. Ang mga ito ay naiulat na pinaglakad ng halos mahigit sa dalawang oras sa kalsada habang ang mga kamay ng mga ito ay nakagapos.



Sa ulat ni Jonathan Andal sa ’24 Oras’, nasabing nahuli ang mga lumabag dahil nasa labas pa ito ng kani-kanilang mga bahay kahit curfew na. Bukod pa dito, nahuli ang iba na walang face mask at umiinom ng alak.

Ayon sa pahayag ng ilan sa mga violators, wala silang kaalam-alam sa mga panukala ng batas.

“Kasi ‘di po namin alam na ngayon po pala tinaga ni Duterte ‘yong curfew,” – sabi ng isang violator.



“‘Di naman kami nawalay ho sa harap ng bahay. Suma-shot lang kami ng kaunti para makatulog,”  sabi naman ng isa.

Samantala, pinaglakad ang isang grupo ng violators sa EDSA, at ang isa pang grupo ay sa may Bagong Caloocan City Hall naman ng mahigit sa isang oras.

Dagdag pa sa parusa, dinala din sila sa bakanteng lote para magsulat ng kanilang pangalan at pinatikim ng sermon ng hepe ng Caloocan Police.



“Hirap na hirap na ang mga frontliners. Nakikiusap sa inyo manatili kayo sa inyong mga tahanan, eto ang sermon ng hepe.

Ang dahilan umano kung bakit pinalakad ang mga violators na ito ay dahil hindi mapapatupad ang social distancing sa loob ng sasakyan.

Sa panukala ng ECQ, maaring mamultahan at aabot hanggang P5,000 ang hindi nakasuot ng face mask lalo na sa pampublikong lugar. Samantalang ang lumabag naman sa curfew ay P3,000 ang mulata sa unang paggawa nito.

Katulad ng ginawa ng mga violators na umiinom - may liquor ban naman na kapag lumabag ka, aabot sa P500 hanggang P1,500 ang multa.

Gayon din ang pag-labag sa social distancing – P5,000 ang multa o pagkabilanggo ng anim na buwan.