Manila,
Philippines- Walo sa labing-isang labi ng nasawing sundalo ng 21st Infantry
Battalion ang nakarating na sa Manila nitong Sabado lamang, April 18, 2020.
Binigyan ng parangal ng mga pinuno ng Philippine defense sa Colonel Jesus
Villamor Air Base sa lungsod ng Pasay.
Naiulat na
nasawi ang labing-isang sundalo sa inkwentro nito sa teroristang grupong Abu
Sayyaf nitong Biyernes (April 17) ng hapon sa Patikul, Sulu.
Dagdag pa
dito, isang oras ang tinagal ng sagupaan sa pagitan ng 21st Infantry Battalion
at 40 bandido.
Samantala,
ang mga nagbigay ng pagkilala sa mga nasawing 21IB Troops ay sina National
Defense Secretary Delfin N. Lorenzana, Armed Forces of the Philippines Chief of
Staff General Felimon Santos Jr, Philippine Army Commanding General, Lt. Gen.
Gilbert I. Gapay AFP, Philippine Air Force Commanding General Lt. General Allen
T Paredes, at Deputy Chief of Staff for Personnel Maj. Gen. Adriano C. Perez.
Photo By: Philippine Army
“The
Philippine Army and the whole Philippine defense organization mourns the death
of its soldiers. In honor of their sacrifice for the nation, we assure the
bereaved families that we will take care of them and extend to them the
necessary assistance that their families will need. On behalf of a grateful
nation and a proud Army, we salute you.” Sabi naman ni Lt. Gen. Gilbert I.
Gapay AFP, Commanding General, Philippine Army.