Sunday, April 19, 2020

Cebu Artist Inaresto Dahil sa Pagkakalat ng Fake News



Manila, Philippines – Inaresto ang isang makata at scriptwriter dahil sa pagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19).



Ayon naman kay Atty. Vincent Isles na abogado ng suspek na si Maria Victoria Beltran, magsasampa umano ito ng kasong administratibo at criminal charges laban sa mga taong responsable sa kanyang pag-aresto.

“We’re going to question this. This is a gross violation of the rights enshrined in the Constitution,” sabi ni Isles sa Inquirer sa telepono.



Naaresto si Beltran ng mga pulis nito lamanag Linggo, April 19, ng lagpas 2 a.m sa loob ng Kukuk’s Nest na pagmamay-ari nitong restaurant sa Barangay Lahug, Cebu City.

Nangyari ang pag aresto ilang oras matapos pinagbantaan ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na dadalhin ito sa kulungan dahil sa pagkakalat ng kasinungalingan.

Nitong nakaraang linggo lamang, nag post si Beltran sa kanyang Facebook account na mahigit 9,000 na umano ang mga taong nahawaan ng COVID-19 sa Sitio Zapatera sa Barangay Luz, Cebu City.

Sabi naman ni Labella sa kanyang post sa Facebook na ang sinabing yaon ni Beltran ay fake news.



Samantala, sa pahayag ni Isles, sinabi nito na ang kliyente na si Beltran ay walang intension na magkalat ng takot.

Sinabi pa ni Isles na ang Department of Health (DOH) umano ang naganunsyo na lahat ng residente sa Zapatera na aabot sa 9,000 ay ipinagpalagay na kontaminado.

“Her (Beltran) post should not be not taken literally. I don’t know why Mayor Labella took it literally. Clearly, the post was not a violation of our laws. I do not understand why Mayor Labella would like to focus on a petty concern instead of focusing on the more important issue. That’s a very dangerous trend,” sabi ni Isles.

“As a fellow lawyer who knows the laws, he (Labella) should take a second look at the Facebook post. No matter how you look at the post, there was no intention of creating confusion and chaos. Instead of using his time to go after those who have something to say about the pandemic, Mayor Labella should use his time and resources to focus on how to help the poor and make them survive this crisis.” Dagdag pa niya.