Saturday, April 25, 2020

"Balik Probinsya" ni Senator Bong Go, Supportado ni Pangulong Rodrigo Duterte at mga Mambabatas


Manila, Philippines – Nagpakita ng pagsuporta si Pangulong Rodrigo Duterte sa iminungkahi ni Senator Chirstopher Lawrece “Bong” Go na programang Balik Probinsiya. Ang programang ito ay magbibigay ng insentibo at uportnidad sa mga Pilipinong nais malipat sa mga probinsiya pag tapos na ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa recorded public address ng Pangulo nitong Biyernes (April 24), nasabi nito na ang mungkahing ito ng senador ay isang magandang ideya na magbibigay kahulugan ng pagasa sa gitna ng COVID-19 crisis.

“If they go there, some of them might really leave the city of Manila or its environs with a heavy heart, but we have to provide transportation. What is important is we give them hope,” ito ang sabi ng Pangulo sa isang pagpupulong kasama ang government task force hingil sa responde sa coronavirus nitong Huwebes lamang.

Ipinakita naman ni Senator Go ang kasikipan sa Metro Manila at ng iba pang lunsod na dahil dito, mabilis ang pagkalat ng COVID-19 at napapabagal nito ang pagbibigay ng tulong sa mga naapektohan ng kalamidad.

“Mapapagaan din natin ang pinapasan ng mga syudad kapag nabawasan ang tao sa mga lugar nila (We will ease the burden of cities if the number of people will be reduced),” sabi ni Go.
Dagdag pa aniya, mangyayari ito sa tamang panahon at ito ay maaring maging “new normal”.

Samantala, ayon naman kay Senator Panfilo Lacson, ang mungkahing pagpapaluwag ng Metro Manila ay mangyayari lamang kung gagawa ng uportunidad ang national government sa mga kanayonan.

“The answer lies in a more equitable distribution of the national budget that adopts a mere 20 percent of projects, activities and programs out of those endorsed by the local development councils,” sabi ni Lacson.

Sinuportahan naman ni Albay Second District Rep. Jose Maria Salceda ang mungkahi ni Go. Dagdag pa ni Salceda, may mga tatlong bagay na makakahikayat sa mga tao na tumigil o malipat sa mga probinysa – “mobility, opportunity and quality of life”.