Thursday, April 23, 2020

80% ng mga Pilipino, Nasiyahan sa Administrasyon ni Pangulong Duterte sa Pagresponde sa COVID-19 -


Photo By: PNA

Ayon sa resulta ng survey na inilabas ng global polling firm na Gallup International Association, karamihan sa mga Pilipino ang nasiyahan sa responde ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa coronavirus disease (COVID-19).

Ito ay base sa poll noong April 6 hanggang Aptil 8, na nasa 80% ng mga Pilipino ang naniniwala sa kakayahang hawakan ng gobyerno ang krisis na dulot ng COVID-19.

Samantala, 18% naman ang hindi nasiyahan sa responde ng gobyerno sa COVID-19. 2% naman ang hindi segurado.

Inilagay ng Pangulo ang buong Luzon sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) na kung saan striktong pinapatupad ang home quarantine at limitahan ang mga galaw ng mga tao upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Sa ngayon, magdedesisyon pa si Pangulong Duterte sa posibleng pag alis ng ECQ; kung modified lifting, o isa na namang pagpapalawig ng Luzon wide ECQ. Una nang napalawig ang ECQ na aabot hanggang April 30.

Katulad din ng Luzon, inilunsad din sa Visayas at Mindanao ang ECQ upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit.

Ayon pa sa survey na ginawa ng Gallup International, napagalaman nito na 86% ang nagpahayag ng kanilang kagustohang mag sakripisyo ng kanilang karapatang pantao kung makakatulong ito sa paghinto ng pagkalat ng virus.

12% naman ang walang kagustohan at ang natitirang 2% ay hindi makapag desisyon.
Ang 88% na ito ay umaming natatakot sa kadahilanang baka mahawa sila o ang kanilang pamilya ng naturang virus.

Kung ating susubaybayan ang mga ulat, pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Republic Act (RA) 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act na nagbigay sa kanya ng special powers na ma-address ang COVID-19 pandemic sa bansa.

Bukod dito, may P275-billion pondo na nakalaan para mapigilan ng gobyerno ang pagkalat ng sakit.
P200 billion naman ng P275 billion ang ginamit bilang ayudang salapi na ibinigay sa 18 million na pamilya na nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P8,000.