Thursday, February 6, 2020

Dating Head ng MRT-3, Guilty sa Isang Bilang ng Kasong Graft!


February 6, 2020 – Guilty! Eto ang hatol ng anti-corruption court sa dating head ng Metro Rail Transit (MRT-3) ukol sa anomaly sa maintenance contract na iginawad sa isang kumpanya na pinamumunoan ng kanyang kamag-anak pitong taon na ang nakalipas.

Sa 44 na pahina ng desisyon netong January 31, ang Sandiganbayan 3rd Division ay naratnan si Al Sanchez Vitangcol III na nagkasala  sa isang bilang ng graft at lumabag sa Government Procurement Act.



Si Al Sanches Vitangcol III ay nahatulan ng walong taon na pagkakabilango sa kada kaso na kinaharap neto at bukod dito, hindi rin sya kwalipikado sa anomang sangay na opisina ng Gobyerno.
Dagdag pa dito, si Vitangcol III ay naakusahan din sa joint venture of Philippine Trans Rail Management and Services Corporation (PH Trams) and CB&T, sa pagawad ng isang kasunduan ng pagpapanitili para sa 16.9 kilometrong train system.



Isa rin sa mga nahatulan dito bukod kay Vitangcol ay si Soriano na parehas din ang sintensya sa kadahilanang paglabag sa procurement riles ng bansa – “heads of agencies cannot enter deals with bidders related to them by consanguinity or affinity up to the third civil degree.

Eto ang nasabing desisyon ng korte - “Accused Vitangcol III, although admitting knowing one of the incorporators of PH Trams to be a relative by affinity, chose to remain silent during the entire procurement process.”



Dagdag pa neto - “To our minds, this is a clear breach of his sworn duty as a
public official.”

Hindi na kinilingan ng nasabing korte ang depensang pahayag ni Vitangcol na ang joint venture ay nakuha nya lang sa pamamagitan ng sulat sa kanya hingil sa unsolicited proposal ng pakakaloob ng pagpapanitili (provision of maintenance).



Pahayag pa ng korte na tumutuligsa kay Vitangcol bilang isang myembro ng Bids and Awards Committee - “In the first place, the involvement and participation of accused Vitangcol III in the process of procuring an interim maintenance provider for MRT3 is utterly significant.”