Friday, May 1, 2020

Pangulong Rodrigo Duterte, Inaprobahan ang 4 million dagdag na Benepisaryo ng Emergency Cash Aid - Roque



Manila, Philippines – Nitong Biyernes (May 1), nagpahayag si spokesperson Harry Roque na Inaprobahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dagdag na 4 million na makakatanggap ng ayudang salapi sa ilalim ng social amelioration program.

"Dati 18 million lang dapat ang pagbibigyan, naging desisyon ni Presidente lahat po ng nangangailangan dapat bigyan. So nadagdagan pa po 'yang 18 million na 'yan ng kung di ako nagkakamali, something like 4 million pa," ito ang sabi ni Roque sa isang panayam sa GMA News na Unang Balita.

Nabanggit din dito ni Roque na gagamitin dito ang kasalukuyang data.

"Based on current data at hindi 'yung 2015 data pa. So naging problema po 'yan kasi kinailangan maghabol ng mga pangalan," dagdag ni Roque.

Nagpahayag ng komento si Roque matapos palawigin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang deadline sa pagbibigay ng naunang ayuda.

"Local government units which identified additional eligible family beneficiaries for the cash assistance can submit their lists to the DSWD for validation (reported by GMA News Online)." - Ayon naman sa pangatlong weekly report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kongreso.

Samantala, tinatayang nasa 3.4 million namang mga middle income earners mula sa 1.6 milliong maliliit na negosyo ang napiling maging benepisaryo ng wage subsidy program na ibibigay ngayong Mayo.

Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act o ang Republic Act 11469, nasa 18 million na maybahay na nabibilang sa impormal na sector ang prayoridad na bigyan ng ayudang salapi na umaabot mula P5,000 hanggang P8,000 sa loob ng dalawang buwan depende sa minimum wage ng rehiyon.


12 comments:

  1. sir sayang din dagdag sa pundo hindw naman lahat nakakakuha pag open mo ng FB PORU reklamo makikita mo hinse lang sa isang lugar halos lahat ng lugar ng boung Pilipinas. para sa akin ok lang di ako masali may kunting saving pa ako aabot pa yta to ng dalawang buwan 😊 eh ung iba nangangailangan kawawa naman cla.

    ReplyDelete
  2. Totoo po yon sir, kawawa naman ang iba na hindi nila nabigyan ,e kasi king sino ang malapit sa kaldero yon lang ang bibigyan nila..

    ReplyDelete
  3. Hindi naman mabibigyan lahat, ang katwiran ng nga lgu's at mga tauhan ng baranggay kulang ang pera.kung kya hindi nila mabibigyan lahat, kya mahirap pa rin umasa sa mga yan.

    ReplyDelete
  4. Sana nga po sa kasalukuyang data makasama na kami kasi mawalan din kami trabaho hindi namin alm saan huhugutin pa ang iba mga bayarin lalo pa solo parent na nangungupahan po

    ReplyDelete
  5. Sayang lang ang pondong yan... Kung may nakakabasa man ng comment na to. Bisitahin niyo ang Baranggay Singkamas Makati City, pinapirma lang ng Brgy at DWSD ang mga residente nila, di naman nakatanggap ng ayuda. Sana maimbestigahan kung saan napunta ang pondo. #OFFICE OF THE PRESIDENT #DSWD #PRRD

    ReplyDelete
  6. Wag na po sanang magdagdag kasi di din totoo na bibigyan lahat nasa kapitan po kasi kung gusto nuya ipasok ang isang tao sa sac pinipili lang po nila ang binibigyan pati dswd po dito sa amin di nman nag house to house dipo nila binalik yung oinapirma sakin na form kahit disqualified ang naging pasya ng grievance dswd sakin.
    Marami nadin babayarin ngaun buwan at sana lahat nalang ng tao bigyan nila kasi lagi reason ng kapitan namin poor to the poorest daw pero dami nman niya kaapelyedo sa listahan ng sac.

    ReplyDelete
  7. Gandang hapun sir,,, bakit po sa Brgy.121 sa tond sir??? Wala pong form ng SAC? Single parent po ako dapat bang ang barangay namin ay di maka-tanggap ng SAC??? Diba sabi lahat makaka-tanggap botante o hindi??? Bakit po ganun sir/ma'am??? Sana po matulungan po ang barangay namin sa tondo. Brgy.121 po...

    ReplyDelete
  8. Sana po walang piliin,,, dapat po lahat pantay pantay. From brgy.121 Tondo Dist.1 zone 9

    ReplyDelete
  9. Asan na po ung pare sa mga nasa middle class hirap na din po kami sana isama din po ninyo kami dahil parti din po kami ng gobyerno at apiktado din po kami,

    ReplyDelete
  10. Sana po mabigyan lahat lalo na po young mga natigil sa trabaho dahil sa pandemec n to. Wala kaming mapagkukunan

    ReplyDelete
  11. Region 6 Visayas Province of Negros Occidental halos lhat binawi Ang pera mga seniors d pa kasama #PRRD wag kanang magdagdag NG ayuda d napupunta sa mga karapat dapat Ang tulong na binigay nyo Sana malacañang maniwala po Kayo sa sinasabi NG mga sambayanang pilipino na d nkakuha NG ayuda nyo 😢

    ReplyDelete
  12. Dtu PO SA BRGY TONSUYA LETRE MALABON City..MADAMING kurap..ung relief namin 3wave palang nttanggap nmin.yung ibang brgy nka 6th wave na..Yung ayuda na para smin iniipit din nila..Sana PO matugunan PO ninyu ang aming mga hinaing..

    ReplyDelete