Photo Cridits: DFA |
February 9, 2020, Manila, Philippines – Nakapagtala ng 30 Pilipino na gustong umuwi ng bansa ang nakabalik mula sa Wuhan City kung saan nag mula ang 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease (2019- nCoV ARD) sa tulong ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ayon sa record, ang pasaherong nailigtas ay may 29 bilang, samantalang ang isa dito ay sanggol pa.
Kasama umano sa pagbabalik ang isang pangkat na may 10 na
myembro mula sa Pilipinas. Dito sa pangkat na eto, nakabilang ang dalawang myembro
ng Philippine Consulate General in Shanghai, tatlong myembro galing sa opisina
ng DFA ng Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA), at limang
myembro ng pangkat medical mula sa Department of Health (DOH).
Sa kanilang pagdating, ang mga Pilipino ay nailipat bigla ng
ligtas sa kanilang nakahandang mga bus mula sa eroplano, at dadalhin naman ang
mga eto sa Athlete’s Village sa New Clark City sa Tarlac na magiging tahanan
nila sa loob ng 14 araw. Ang 14 na araw na eto ang sinasabi ng mga eksperto na
14-day quarantine period.
Noong January 28, 2020, paunang nagpanawagan ang DFA na
pabalikin ang mga Pilipino mula sa China. Eto naman ay pinadali ng Philippine
Embassy sa Beijing at ng Philippine Consulate General sa Shanghai, ang Foreign
Serveice Post sa nasasakupan na Whan City sa probinsya ng Hubei.
Ayon sa report, ang mga kawani ng mga Pilipino tulad ng
Embassy ay nakipagtulongan na rin sa mga awtoridad ng China para mas lalong
mapabilis ang operasyon. Kagaya na lang netong nakaraang linggo, may dalawang
kinatawan ng Shanghai na nagmula sa Consulate General. Sila ay naatasang
magasikaso ng mga clearance lalo na sa pagbyahe neto sa iba’t-ibang teritoryo
papuntang Wuhan City.
Ang kanilang layunin ay makipag koordina sa kumunidad ng mga
Pilipino at ng Foreign Affairs Office sa Hubei Province. Samanatala, ang
pangkat galing sa DFA Home Office sa Manila ay lilipad patungong Wuhan City sa
gabi ng Sabado para makompleto ang pangat na magbibigay ng kaseguraduhan sa
kaligtasan ng mga Pilipino pauwi dito sa ating bansa.
Eto ang mga larawan : (Photos By: DFA)