Sunday, February 9, 2020

Panelo - Nanindigang Hindi "Fake News" ang Kanyang Pahayag Hingil Sa Desisyong Pagbasura ng VFA


February 9, 2020 – Panelo, nanindigan tungol sa usaping binansagan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na “fake news” daw ang balitang ipinaguutos na ng Pangulo na ipadala ang notice of termination ng VFA saEstados Unidos. Eto ay kumailan lang simula ng umusbong ang balitang nagbigay na ng “GO SIGNAL” ang Pangulo.



Sa isang balita tungkol sa pahayag ni Lorenzana noong February 8, 2020, inihayag neto na wala pang opsiyal na order mula sa Department of Foreign Affair tungkol sa usapin ng Pilipinas sa pag kansela ng VFA neto sa US. Dagdag pa dito ang pahayag ni DFA Secretary Teddy Locsin Jr na pag-aralang mabuti ang nasabing kasunduan bago mag desisyon hingil sa VFA.

Ngunit nanindigan si Presidential Spokesman Atty Salvador Panelo na hindi eto “Fake News” dahil eto ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte – ang tuluyang pagbasura ng VFA.


Sa pahayag ni Panelo tungkol dito, maaring hindi pa natatanggap ang kopya ng kautusan ng Pangulo ni Executive Secretary Salvador Medialdea. Iginiit ni Panelo na eto aniya ang resulta ng kanilang pag-uusap.

Iginiit din naman ni Lorenzana at Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin Jr. na wala pa silang natatanggap na sulat o kautusan mula kay Medialdea.