Manila, Philippines, February 7, 2020 – Inatasan na ni
Pangulong Rodrigo Duterte na ipadala na sa US ang notice na magpuputol sa
Visiting Forces Agreement (VFA). Eto ang inihayag ni Panela ngayong biyernes.
Aniya ni Panelo, ang Pangulong Duterte ay nagbigay ng
instraksyon kay Executive Secretary Salvador Medialdea na sabihin sa Foreign
Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. na ipadala na ang pabatid sa US government
ang intensyong bawiin ang nasabing VFA.
Dagdag pa ni Panelo na nakatakdang makipag usap si Pangulong
Duterte sa Pangulong Donalt Trump sa telepono. Pero nabangit din ni Panelo na
hindi pa rin malinaw kung para saan ang adyenda ng kanilang usapan at kung ang
nagdala neto.
Nabangit naman ni Teddy Locsin Jr. na naihanda na neto ang
pabatid at ipadala eto sa sinabi ni Pangulong Duterte. Dagdag pa ng palasyo na
nasimulan nan g Manila ang pag proseso na wakasan ang pinagkasunduan mula pa
noong nakaraang buwan.
Sa ilalim ng napagkasunduan, ang nasabing VFA ay maituturing
na tapos na matapos ang 180 araw simula
ng pagpapadala ng pabatid ng kahit sino
sa dalawang bansa.
Hingil sa desisyon ng Pangulo, ang tagubilin nya ay naihayag
isag araw matapos ang pagdinig sa senado tungkol sa VFA at kung ano ang
benepisyo neto sa bansa. Nabangit ni Teddy Locsin Jr. ang bilyong halaga sa military
at tulong pan-tao na natanggap ng Pilipinas sa US.
Gayon pa man, naibalita na
noong June 2, 2017, na hindi na tatangap si Pangulong Duterte ng mga 2nd
hand ships.
Isa rin sa saklaw ng VFA ang pag control ng pagbisita ng
pwersa ng US sa Pilipinas. Naitala naman na ang desisyong eto ng Pangulo ay
naihayag matapos makansela ang visa ni Senador Bato dela Rosa.
Bagamat walang
nabangit ang US na rason kung bakit eto na kansela, nagkataon naman na naglabas
ng panukala ang US na pigilan ang pagpasok ng mga public officials ng Pilipinas
na sangkot sa pagpapakulong kay Senator De Lima dahil sa patong patong na kaso.
Isa na rito ang pagkaka-ugnay sa droga.