Saturday, February 8, 2020

Isang Seaman Buhay pa Pero may Death Certificate Na!



Isa sa pinakamahirap na hanap buhay ang paglalayag sa dagat lalong lalo na kung ang distinasyon ay sa ibang bansa pa. Para sa mga seaman, tinitiis nila ang lakas ng alon at ang pagod kahit na malayo pa sila sa pamilya. Katumbas naman neto ang magandang sweldo na maiuuwi sa pamilya.


Bagamat nakakalikom ng desenteng sahod, minsan hindi maiiwasan ang mga problema. Tulad na lang ng isang seaman na walang kamalay-malay umano na mayroon na syang death certificate sa NSO. Sino ba naman ang hindi magugulat kung pagdating mo sa sariling bansa eh nakarehistro ka na pala na yumao? Ang masaklap nyan, sa NSO pa.


Ang seaman na nagngangalang Benedick Malonzo ay hiwalay sa kanyang asawang nasa abroad din. Kahit sa ganitong sitwasyon, nagbibigay pa rin ng suporta ang nasabing seaman kaya kampante rin sya na hindi babalasubasin ng misis ang kanyang mga dokumento. Kung tatanongin ang mga abogado, sa mata ng batas ay talagang patay na eto kapag naitala na sa NSO ayon sa abogadong si Atty. Pen Cascolan.

Ng dahil dito, imbis na magiging maayos ang pag asikaso ng seaman ng kanyang mga dokumento ay nagkaroon pa eto ng malaking problema. Isa sa problema dito ay ang paghahanap ng trabaho dahil natural na kukunan sya ng mga records.

Naging isang palaisipan Kung bakit at paano naging lehitimo ang certificate na eto dagdag pa kung pano napaniwala ang NSO na sya ay patay na. Sa kadahilanang ang death certificate ay galing lamang sa ospital ah hindi kung kanino lang.

Ang magandang balita lang dito, maari etong baliktarin na sya ay buhaying muli sa mata ng batas. Ngunit hindi eto magiging madali sa kadahilanang dadaan pa ang mga dokumento sa korte para sa maayos na pag-proproseso. Kaya ang pinakamagandang payo, maging updated tayo lagi sa ating mga dokumento lalong lalo na kung tayo ay lumalabas ng bansa para magtrabaho.