Saturday, February 8, 2020

Helicopter na Sinakyan ni Kobe, Hindi "Engine Failure" ang Dahilan ng Pagbagsak



Isa sa pinakamalaking insidente ng taong 2020 ang pagkasawi ng isang legendary basketball NBA superstar na si Kobe Bryant. Naitala ngayong taon ang pag crash ng helicopter na lulan si Kobe kasama ng kanyang anak at iba pang mga kaibigan neto. Ngunit sa isang ulat mula sa pahayagan ng Los Angeles Times, pinakita ng imbistigasyong walang sinyales na nagkaroon eto ng problema sa makina.



Nai-ulat ng federal investigators na nagpapatuloy sa pag iimbistiga kung ano ang dahilan ng pagbagsak ng naturang sasakyan. Napagalaman din na hindi pumalya ang makina neto at eto ang naging kunklosyon ng imbistigasyon ngunit bukod dito, napakarami pang mga katangungan na dapat masagot.

Ayon kay NTSB Chairman Robert L. Sumwalt - “Our investigators have already developed a substantial amount of evidence about the circumstances of this tragic crash. “And we are confident that we will be able to determine its cause as well as any factors that contributed to it so we can make safety recommendations to prevent accidents like this from occurring again.”



Ang naturang ulat ay nagbigay ng detalye tungkol sa pagbagsak ng sasakyan ngunit hindi pa talaga nalalaman ang tunay na sanhi. Nabangit din na aabot ang imbistigasyon ng ilan pang buwan para linawin ang dahilan.

Sa mga natala na data, ang naturang pagbagsak ay nasa 34 – degree na pahalang na may sukat na 24 talampakan na 15 talampakan ang lapad at 2 talampakan naman ang lalim.



Dagdag pa sa ulat - “Examination of the main and tail rotor assemblies found damage consistent with powered rotation at the time of impact. The initial point of impact consisted of highly fragmented cabin and cockpit debris.”

“Viewable sections of the engines showed no evidence of an uncontained or catastrophic internal failure” – naisama rin sa ulat.

Sa mga naunang balita tungkol sa insidente, ang helicopter na sinakyan nina Kobe ay ang 1991 Sikorsky S-76B ay may lulan din mga magulang, coaches, at mga batang manlalaro sa youth basketball game sa Bryant’s Mamba Academy na nasa Thousand Oaks.