Sunday, February 9, 2020

"Hindi Natin Alam Kung Ano ang Totoo" - Leni Robredo sa VFA Termination



Manila, Philippines, February 9, 2020 – Muli na namang pinuna ni Vice President Leni Robredo ang gobyerno sa hindi pag-kakapareho ng mga pahayag hingil sa pagbasura sa Visiting Forces Agreement of VFA.

Sa isang AM radio station na kung saan meron syang weekly show na “Biserbisyong Leni” , nagsalita si Leni hingil sa mga balitang lumalabas tungkol sa VFA - “We don’t know what’s the truth one government agency says this is true, but another one says the opposite.”  - eto ay maririnig sa AM radio station RMN-DZXL 558.



Dagdag pa niya - “A government agency should not make a public statement that it’s sure to be. But sometimes that’s what happens.”




Gayunpaman, itinangi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana noong sabado na ang pahayag ni Spokesperson Panelo ay isang fake news. Sa kaparehas namang araw, sinabi ni Medialdea na hindi pa nya natatangap ang tagubilin ng Pangulo na wakasan ang VFA.


Pero nilinaw eto ni Spokesperson Panelo na pinagbigay-alam sa kanya ni Medialde tungkol sa issue nong naunang gabi nang sinisipi nya ang naunang pahayag ng Pangulo. Dagdag din ni Panelo na hindi "Fake News" ang kanyang mga naging pahayag.  Samantalang si Nograles naman ay naghihintay ng "GO SIGNAL" ng Pangulo ayon sa ulat nong Biyernes.


Ngayong linggo naman, pahayag ni Spokesperson Panelo na kailangan ang mga opisyal na dokyumento para sa pagwawakas ng VFA. Dagdag aniya ni Panelo na makukua  pa ang mga eto sa Lunes pagka-bukas ng mga opisina ng Gobyerno at pag nakabalik na ang Pangulong Duterte sa Davao City.