Saturday, February 29, 2020

SENADORA GRACE POE, Inamin ang Kaugnayan ng Pamilya sa ABS-CBN


MANILA, Philippines – Kumakailan lamang, nagkaroon ng pagdinig sa senado tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN kung eto ba ay bibigyan ng renewed franchise o hindi. Maraming media ang nagpahayag ng mga kani-kanilang opinyon tungkol sa senador na nagpatawag ng pagdinig na ito.

Sa kabilang dako naman, isang mamahayag ang nagbigay ng kanyang saloobing tungkol sa koneksyon ng senadora sa ABS-CBN network.



Si Rigoberto D. Tiglao, isang mamahayag ng “The Manila Times” ay nagbigay ng opinyon ukol dito.

Ayon sa kanya, “purong pagmamalaki” para sa senadora na magpatawag ng pagdinig noong lunes. Dahil umano eto sa pagwawakas ng prangkisa ng ABS-CBN sa May 4, ayon sa pagbabago. Ayon sa mamahayag, eto ay isang desperadong hakbang.



Kung iisipin, hindi naman mangmang ang mga Pilipino (kasama ang mga mamahayag, pero hindi ang ilang mga senador) para malaman kung ano ang koneksyon ng senadora sa nasabing network, na ang pangunahing pinagkakakitaan ng pamilya ni Grace Poe ay galing sa ABS-CBN.

Kung ating iisa-isahin ang dahilan kung bakit, ayon sa pahayag ni Tiglao, ang ina ng senadora na si Susan Roces ay patuloy na kikita ng malaking pera sa operasyon ng ABS-CBN.



Ayon sa pahayag, ginagampanan ni Susan Roces ang isa karakter sa isang sikat at malaking teleserye “Ang Probinsyano”, na halos tumatakbo na ito sa loob ng apat na taon na mayroon na ring 1,136 na episodes.

Kung halimbawa kumikita ang aktres ng P200,000 sa kada episode, ibig sabihin nito ay kaya nyang kumita ng P230 million mula production ng ABS-CBN sa ngayon. Eto ay tamang estima lamang kung ating iisipin sa kadahilanang si Coco Martin ay maisaalang-alang na bilyonaryo sa pamamagitan ng kinikita nyang pera sa “Ang Probinsyano.”



Kung ating susuriin, ang “Ang Probinsyano” ay base sa pelikula ng yumaong aktor na si Fernando Poe Jr. noong 1997 pa na mag kaparehas ang pamagat. Hindi mapag-kakaila na mayroon nakukuha ang mag-asawang FPJ at Susan Roces dahil sa ibinase ng ABS-CBN ang series sa 1997 pelikula “Ang Probinsyano”. Sa makatuwid, kung ating nasubaybayan ang series, si Susan Roces ay naging pangunahing talent ng network.



Si Grace Poe naman, kung hindi pa alam ng nakaraarami, sya ay isa sa tatlong anak ni FPJ.
Sa pahayag pa ni Tiglao, si Poe ay isa sa mga pangunahing stockholders ng FPJ Productions, kung saan ang koleksyon ng mga pelikula ni FPJ ay nakukuha na merong exclusive rights ng ABS-CBN. Una noong 2013 at ni-renew ito noong 2018. Sumasaloob sa kontra nito ang bayad sa FPJ production kung ipapalabas ang kanilang mga pelikula ano manga raw sa loob at labas ng Pilipinas. At, natural lang na may natatangap ditong pera si Poe. 

Makikita sa larawang ito sa dulong kanan si ABS-CBN Corp. Chairman Martin Lopez, at ang Presidente naman sa dulong kaliwa na si Carlo Katigbak.
Photo from The Manila Times


Ayon naman sa panayam ng ANC kay Poe noong Feb 26, eto ang sagot nya sa usaping naging bias sya sa pagdinig para sa prangkisa ng ABS-CBN - "Number 1, I am the chairman of the Committee on Public Services. No.2, it’s no secret the business relationship of my family with ABS-CBN. No. 3, I am only one of 24 senators. Whatever I say, even if I am for it or against it, if the majority will not side with my opinion, it will not prevail."

Kung sakali man na magsara ang ABS-CBN, walang makukuha si Poe at ang kanyang pamilya sa nasabing kontrata. Kung ating babalikan ang mga ngyari sa pagdinig sa senado, wala ng ibang senador bukod kay Poe ang nagtanggol sa nasabing network.