Saturday, February 29, 2020

PENTAGON, HINDI HANDA sa Mabilisang Pagwawakas ng VFA sa Pilipinas


MANILA, Philippines – Ayon sa balita, hindi handa ang gobyerno ng Estados Unidos sa agarang pag termina ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Visiting Forces Agreement (VFA). Eto ang sabi ng Philippine Ambassador sa Estados Unidos na si Jose Manuel Romualdez neto lamang Biyernes.

Dagdag pa aniya ni Romualdez, ang US lalo na ang mga myembro ng US Department of Defense o di kaya ang “Pentagon”, ay sobrang nababahala tungkol sa terminasyon ng VFA.



Sabi naman ni Romuladez sa mga reporter sa isang kumperensiya - "It's a natural thing for them to be concerned... in the sense that we could say that they were not prepared for something as quickly as that one although they have contingencies."

Ayon pa sa mga karagdagang sinabi nya,  nababahala ang pentagon partikyular sa magiging epekto ng pag kansela ng VFA sa relasyon naman ng Manila at Washington.



Ayon naman kay US Defense Secretary Mark Esper kumakailan lang na ang nasabing desisyon ng Pilipinas na taposin ang VFA ay isang hakbang sa maling direksyon. Gayon din naman ang amo nito na si US President Trump na sinabing wala siyang pakialam sa pag kansela ng kasunduan.

Wika pa ng puno ng Pentagon na ang pagtatapos ng VFA ay magbibigay lamang sa China ng lakas ng loob na lumabag sa intenational law - "And as we try and, you know, bolster our presence and compete with them (China) in this era of great power competition, I think it's a move in the wrong direction."



Ngunit ang komento naman ni Trump tungkol sa desisyon ni Pangulong Duterte sa pagkansela ng VFA: "If they would like to do that, that's fine. We'll save a lot of money."

Bagamat eto ang pahayag ni Trump, nabalita noong mga nakaraang linggo, Feb 10, na magkakaroon ng pagpupulong ang Pilipinas sabi ng isang opisyal ng US State Department upang talakayin ang plano ng Pilipinas na tapusin ang VFA.