Friday, February 28, 2020

PILIPINAS - Modelong Bansa sa Paglaban sa Salot Na COVID-19



MANILA, Philippines – Ayon sa pahayag ni Health Secretary Francisco Duque nitong huwebes lamang, ang Bansang Pilipinas ay isa sa mga bansang dapat tularan sa pag-iwas sa kumalat na coronavirus (COVID-19). Dahil umano ito sa mga aksyon para mapigilan ang pag kalat ng nasabing COVID-19 na kinilala naman ng World Health Organization (WHO) na ipektibo at dapat tularan.


Pahayag ni Francisco Duque sa radio ng DZMM - "Sinasabi nila, dapat siguro, gawin [ng mundo] yung ginagawa ng Pilipinas.’Yun yung sinasabi nila na, halimbawa [tayo]."
Dagdag pa aniya na ang Pilipinas ay isa sa siyam (9) na bansa, na wala pang ulat ng kaso na kumalat ang sakit (COVID-19) sa mula sa lokal na mamayan.

Samantala, sinabi naman ng representatnte ng World Health Organization (WHO) na si Rabindra Abeyasinghe na nagpakita ng kapasidad at kakayahan ang gobyerno ng Pilipinas na magpatupad at magbigay ng programang kuwarentina. Eto ay matapos mai-uwi ang 30 namang pinoy galing mismo sa Wuhan, China, kung saan naibalitang nagsimula ang nasabing virus.

Ayon sa pahayag ni Abeyansinghe - “We believe they (Philippines) understand what needs to be done.”