Thursday, February 27, 2020

LACSON sa NTC: Maaring Sampahan ng Kaso kung Hahayaan ang ABS-CBN na Mag-Operate Matapos ang Franchise; CAYETANO: Handang Magpakulong kung Hindi Mabigyan ng Provisional Permit ang ABS-CBN


MANILA, Philippines, February 27, 2020 – Netong huwebes, nakiusap si House Speaker Alan Peter Cayetano sa National Telecommunications Commission na bigyan ng provisional authority na mag operate ang ABS-CBN habang pinagde-desisyonan ng Kongreso ang pag-renew ng prangkisa ng higanteng network.  Dagdag pa aniya na ang hakbang na yaon ay ang pinakamainam gawin. Sabi rin ni Cayetano na ang mga hindi sumang-ayon ay maaring dalhin sa Korte Suprema ang kaso. Eton a rin ay dahil sa nakapirma sya sa sulat.



"Kung may makukulong sa ABS-CBN dahil nagbobroadcast sila habang naghihearing kami, sasamahan ko sila sa kulungan. Ikulong niyo na rin ako dahil ako nakapirma sa sulat e." – Cayetano.

Sumang-ayon naman si Cayetano sa liham na ipinadala ng chair ng House Committee on Legislative Franchises na si Franz Alvarez sa NTC nitong Miyerkules lamang. Nagkasundo ang dalawa na payagan ang ABS-CBN na umere kahit na tapos na ang kanilang prangkisa sa May 4, hanggang sa makapagdesisyon ang Kongreso kung makakaroon ulit ng prangkisa ang nasabing network sa loob ng 25 taon. Ayon sa report, pinagaaralan na rin ng NTC Deputy Commissioner na si Edgardo Cabarios ang kanilang magiging tugon.



Samantala, sa magkahiwalay na panayam sa media nitong huwebes lamang, iginiit ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na ang tanging paraan lamang para mapanatili ang operasyon ng ABS-CBN ay ang pagkakaroon ng congressional franchise. Bukod dito ay maaring magkaroon ng paglabag sa batas.

Dagdag pa ni Lacson, maaring masampahan ng kaso ang NTC ng pagpapanggap o di kaya ay labag sa batas  na pagamit ng awtoridad kung pinayagan nito na mag operate ang ABS-CBN pag tapos na ang epekto ng prangkisa.



Sabi pa ni Lacson - "Wala akong nakikitang remedyo kapag walang legislative franchise."
Sumangayon naman si Lacson sa dating Chief Justice Renato Puno na naniniwalang ang isang estasyon ng telibisyon ay nangangailangan ng lisensya para makapag operate at eto ay naka base sa desisyon ng Korte Suprema ng 2003.