Thursday, February 27, 2020

OSG sa ABS-CBN: Inihain ang Quo Warranto para "ITAMA ang PAGKAKAMALI sa PUBLIKO"


MANILA, Philippines – Nagpahayag na ng kumento ang ABS-CBN sa petisyon ng quo warranto na inihain ni Solicitor General Jose Calida na bawiin ang pranskisa ng nasabing network. Inihain eto ng SolGen noong February 10 sa kadahilanang may nalabag ang nasabing network sa kanilang prankisa.  Gayon pa man, sinagot naman ng Office of the Solicitor General ang ABS-CBN na pamamagitan ng 71 mga pinagsamang pahina.

Ayon sa OSG, ang quo warranto na petisyon na isinampa sa ABS-CBN ay hindi hakbang para pigilan ang malayang pamamahayag. Ang layunin neto ay para itama ang pagkakamali at paglabag na ginawa ng naturang network. Eto ang naging sagot ng OSG sa komento ng higanteng media tungkol sa quo warranto na inihain ni Calida.



Kumakailanlang, naging usap-usapan ang tungkol sa isyu ng ABS-CBN sa BIR. Pero iginiit naman ng BIR na wala  namang naging paglabag ang nasabing network. Gayon pa man, ang totoong isyu ay ang paglabag nito sa prangkisa.

Naging maugong din ang mga opinyon ng ilang kilalang personalidad tungkol sa pagbawi ng prangkisa  - na eto raw ay hakbang para pigilan ang malayang pamamahayag. Pinaliwanag naman eto ng Office of Solicitor General na ang pagkakaroon ng prangkisa ay isang pribilehiyo na binigay ng estado, kaya dapat eto ay ma-isaayos din ng estado. Dagdag pa dito, ang paghahain ng quo warranto ay ang pagsasatama o pagwawasto ng pagkakamali sa publiko.



Hinggil naman sa mga nagtatanong kung ang tamang lugar ba ang Korte Suprema na idinig ang nasabing kaso, sinagot ng OSG na ang Korte Suprema ay kumikilala sa “transcendental importance” na may kinalaman naman sa interes ng publiko.

Dagdag pa ng OSG, ang kaso ng ABS-CBN ay sa “transcendental importance” dahil umano ang prangkisa ay mandato na pagsilbihan ang publiko sa pamamagitan ng pagkakalat ng balita. Bukod dito, nasabi rin sa report na ang higanteng network ay malaki ang epekto sa pag hulma ng opinyon ng bawat Pilipino ayon sa ibat-ibang isyu.

Bukod dito, dagdag pa ng OSG na ang mga isyu hingil sa pitisyon ay walang paglabag at eto ay legal lamang na kahit ang regular na korte ay pwedeng saklawan ang usapin. “Meron ding maling pag-gamit at pang-aabuso” – OSG.