Photo by: Facebook |
Sa panahong
ito kung saan nasa gitna ng krisis ang mga tao dahil sa kawalan ng trabaho, ang
iba ay naghahanap ng paraan para masustentohan ang kanilang mga
pangangailangan. Ngunit mas mabuti pa na lumagi na lang sila sa kani-kanilang
mga kabahayan para sa paniguradong kaligtasan.
Ang iba
naman na nagtratrabaho kasama ang mga frontliners tulad na lang ng isang
janitor sa Marikina Valley Medical Center na si Carl Vien, ay nakilala ng mga
netizens at umani ng papuri matapos nyang ilahad ang kanyang photo online
habang nasa shift ito.
Ayon kay
Carl, ang hangarin nito sa pag post ng kanyang litrato ay para malaman pamilya
nya at mga kaibigan pati na rin ang mga nakakakilala sa kanya na siya ay
ligtas.
“Pinost ko
'yun para mapakita ko po sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, sa mga nakakakilala
sakin, na safe ako. Na ito, nakaprotective gown ako. Hindi ako carrier ng
virus.” Ito ang ibinahagi ni Carl sa isang episode sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
Dahil naman
sa hindi nakakatanggap ng regular na sahod, si Carl ay tumigil sa pagpipinta at
nagdesisyon na lamang na maging janitor sa nasabing ospital sa Marikina kung
saan naman nasa limang taon na siyang nagtatrabaho doon.
Dagdag nya,
sya ang nag lilinis ng mga kalat sa naturang ospital, pati na rin ang pag
disinfect ng kagamitan ng mga doctor.
"Ako po
'yung nagse-segregate ng mga infectious na waste pati 'yung mga ginagamit ng
doctor dini-disinfect ko,” - Tibang.
Ang trabaho
ni Carl sa panahong ito ay talagang napakahirap sapagkat delikado para sa kanya
na malantad ang sarili sa virus. Halos walang pinag-iba ang trabahong ito ni
Carl sa mga frontliners ng bansa. Dagdag pa dito na dapat syang mag-ingat ng
husto lalo nat umuuwi sya sa kanyang pamilya.
“Mayroon din
ako sariling kwarto. Doon ako mag-isa sa kwarto ko para talagang may social
distancing pa rin po.” - ibinahagi nya.
Hindi man
nya nagagamot ang may mga sakit, ngunit pinagmamalaki nya ang kanyang
nai-aambag para mapigilan ang pag kalat ng virus.
“Proud po
ako kasi nababawasan ko po 'yung trabaho ng mga doktor, nurse. Nagagawa ko
'yung ma-disinfect mga gamit nila kaya alam nila na safe na gamitin nila ang
mga gamit nila." – Tibang.
Sa ganitong
sitwasyon, bukod sa tinataya nila ang kanilang buhay para matulongan ang ibang
tao, ang mga medical workers pati na rin si Tibang ay masasabi nating hindi
ligtas sa sakit.