Tuesday, March 24, 2020

Bayanihan to Heal as One Act: Magbibigay ng P5,000 - P8,000 Tulong Para sa Maralitang Pamilya





MANILA, Philippines – Nagpasa ang Senado at ang House ng isang probisyon na magbibigay ng benipisyo sa mga walang trabaho o mahihirap na pamilya na inaasahang makakatulong laban sa pag-pigil ng pagkalat ng COVID-19.

Sa bersyon naman ng Senado, isang bill naman ang naipasa na layuning mabigyan si Pangulong Rodrigo Duterte ng karagdagang kapangyarihan para masugpo ang COVID-19. Ang hakbang din na ito ay naglalayon ng paglabas ng emergency fund para sa 18 milyong Pilipino na mababa ang kinikita o ang tinatawag na maralita.


Ayon sa ulat, ang isang maralitang pamilya ay makakatanggap ng nasa P5,000 hanggang P8,000 kada buwan sa loob ng dalawang buwan mula naman sa ibat ibang programa ng lokal at nasyonal na gobyerno. Ito umano ay maiibigay sa pamamagitan ng mismong pera, pero karamihan sa mga ito ay pagkain.

Ayon naman kay Pia Cayetano na sponsor ng nasabing Senate Bill No. 1418, ang eksaktong bilang ng pera ay nakadepende sa minimum wage ng isang rehiyon. ("The exact amount is determined in proportion to the minimum wage of their respective region".)

Samantala, ang bersyon naman ng House ay ang pagbibigay tulong galing sa  mas pina-igting na Pantawid Pamilya Program na rumiresponde sa pangangailangan sa krisis, at programa para sa pagbibigay ng mga kailangang bagay.



Sa karagdagang ulat, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay maaring bumili ng mga kagamitan para sa mga nangangailangang mga sector na hindi napapagtuonan ng pansin habang ang buing Luzon ay nasa ilalim pa ng pina-igting na kwarantenas.

Para na rin sa kaalaman ng nakararami, dineklara ng Pangulong Duterte ang enhanced community quarantine sa buong Luzon upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19 na ngayon ay pataas pa rin ang bilang ng nagiging positibo.

Ang mgandang balita naman dito ay may iilan nang pasyente ang nakaligtas mula sa sakit.

Sa pinakabagong ulat, pumalo na sa 552 ang kabuoang bilang ng mga nagpostibo sa COVID-19.