Tuesday, March 24, 2020

Mayor Lani Mercado, Binatikos sa Tweeter sa Ipinamigay na Relief Goods



Manila, Philippines – Kumakalat ngayon sa social media ang isang larawan ng relief goods na pinamigay sa Bacoor, Cavite kung saan makikita dito ang isang kilong bigas, sardinas, at isang noodles.

Eto ang mga pahayag ng isang Tweeter account na nagngangalang @SiMarcoJoseAko na pinagtatalunan ng mga Tweeter User.

Bacoor City government gives its people 1-2 kg of rice, 1 pack of noodles, and 1 canned goods for one month of City lockdown. Seriously? Mayor Lani Mercado—REVILLA?

“Sabagay, what would we expect from people like you? Mga basura. Pwe.” - @SiMarcoAko
Samo’t-samong reaksyon ang naihayag ng mga tagasunod ng lalaki. Ang iba ay kumakampi kay Alakalde Lani Mercado at meron ding nagtutuligsa sa nasabing Mayor.

“Magpasalamat ka na lang na nakatangap ka”, banat ng isang tagasunod na sumagot sa pahayag ni @SiMarcoJoseAko.

Meron din namang iba na nagpahayag ng reklamo sa kadahilanang ganon din umano ang nangyayari sa kanilang barangay tulad na lang ni @RSpenafiel.

“Ganyan din dito samin sa SJDM, Bulacan, lamang lang kame ng isang noodles. 2 yung noodles dito,. Hahahha. Pero not sure kung may Mayor galing, sabi kasi parang Brgy. Capt daw.” – Jo.

Samantala, may mga sumagot na dapat mas ibigay ang mga relief goods sa mga silat sa buhay.
“Tingin ko yung mga pulubi baka magpasalamat pa sa gantong bigay kahit kakarampot. Pasalamat nalang siguro. Makakarma din naman mga yan” – Kim088


Dagdag pa, ito ang ibang mga pahayag sa tweeter:

“Parang nung nakaraan lang pinanonood ko yan si Lani sa Tv at nabadtrip ako kasi kulang daw disaster funds & i was like Bakit di nila ibalik yung mga ninakaw nilang pera sa bayan! I’m sure yung perang yun malaking tulong sa mga mas nanga2ilangan! Kagigil mga ganyan!” – Jae

“Mga tao nga naman, may masabi lang na nagpamigay sila ng libreng pagkain. Kaya kahit po bawal lumabas ng bahay lumalabas pa rin po sila para maghanap buhay. Sabi nga po sa napanood ko "mahirap 'pag mahirap" totoo naman po yon kaya dapat po na dagdagan naman nila ung ibigay nila.” – damned.yow

“Pasalamat ka at nabigyan ka pa! Hindi yung binigyan kana mag rereklamo ka pa! Dapat nga naka focus nalang yung mga gobyerno sa mga kapos palad.” – Jec