MANILA,
Philippines – Isang Filipino singer, aktor, at piloto na si Ronnie Liang ay
nagbulontaryo sa pagtulong sa mga na stranded na health workers para makarating
sa mga kani-kanilang ospital na pinagtatrabahoan. Ginamit ng aktor ang kanyang
natutunan sa military training upang makatulong sa mga kababayan nating
forntliners.
Sa isang
panayam kay Ronnie, pinahayag nya na inatasan silang mag-sundo at maghatid ng
mga nurses, doctor, at ibang pang mga medical personnel sa loob ng lungsod ng
Caloocan.
“We were
tasked to pick up nurses, doctors and medical personnel around Monumento
(Caloocan City), and drive them to their respective workplaces like the
Philippine Heart Center and then we bring them back once they’re done with
their shifts. We’re out the whole day.” – Ronnie.
Nakakatuwang
isipin na sa gitna ng krisis, ang aktor na singer ay nag-aalay ng kanta para sa
mga kasamahan nya upang makalikha ng positibong paligid. Ano bat napakalaking
tulong ito sa mga frontliners sapagkat ang COVID-19 ay talaga namang
kinakatakotan ng mga taong may alam sa sakit. Wika nya, ito lang muna sa ngayon
ang kaya nyang gawin bukod sa pagiging parte ng military.
“That’s the
least I could do—a gift for them. I respect and look up to them—the doctors,
nurses, police, soldiers. They sacrifice a lot.” – Ronnie.
“Things are not
perfect out there, but it’s amazing to see that despite everything, camaraderie
and courage prevail. I could see the hope in their eyes, as if saying, ‘This,
too, shall pass.’ Dagdag pa ng aktor.
Nakilahok
ang aktor sa Reserved Officers’ Training Corps noong nasa kolehiyo pa sya at
kalaunang sumali sa Army Reserve noong 2018. Nitong nakaraang buwan naman, na
promote siya bilang pangalawang lieutenant ng matapos nya ang kanyang trainings
sa Armor Division sa Camp O’Donnell, Tarlac.
“I completed
the Mechanized Infantry Operations Training, where I was trained to operate and
navigate an army tank,” pahayag ni Ronnie.
Isa sa
nag-udyok sa aktor na sumali sa military ay ang mga nangyari sa Marawi noong
2017. Sabi pa nya na gusto nyang mag bulontaryo na awitan ang mga lumilikas at
tumulong sa pagbigay ng mga relief goods sa mga naapektohan ng Siege. “I wanted
to volunteer, sing for the evacuees and help distribute relief goods to those
who were affected. It was then I realized that I needed to help and contribute
as a citizen.” – Ronnie.
Dagdag pa
niya, mas gusto nyang kumilos kesa sa nakikibalita lang. - “Ayoko nang
nakikinood o nakikibalita lang.”
Aminado
naman ang aktor na nakakaramdam din umano siya ng konteng takot sa ginagawa
nya. Ang tanging nagaalis ng takot sa kanyang dibdib ay ang pagsasamahan nila
ng kanyang mga katrabaho. “It’s so heartwarming when they say thank you. Some
of them couldn’t help but cry because they didn’t know how, or if they would be
able to go to work. It’s touching.”
Ayon pa sa
aktor, ang isang paraan para makatulong sa mamamayang Pilipino ay ang pagiging
reseve nito sa military. Dagdag pa nito na nagagamit nito ang pagiging
celebrity para makatulong sa bayan.
“They can
use their influence and fame to be of good example and to inspire people,
especially the youth.”
“If
possible, we can do fundraising projects in order to provide food and medicine.
We can give supplies to medical workers and uniformed personnel,”
“We have to
help each other.” – Ronnie Liang.