MANILA,
Philippines – Inaprobahan ng kabuoan ng House Committee nitong Lunes ang bill
na sumusunod para mag deklara ng national emergency dahil sa coronavirus
pandemic. Dagdag pa, pinapahintulotan din si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na
gumamit ng kapangyarihang ipatupad kung ano ang nararapat gawin para sa tao sa
limitadong panahon lamang. Ito rin ay para isagawa ang nadilklarang polisiyang
nasyonal.
Habang
ginaganap ang isang special session sa pagtalakay sa responde ng gobyerno sa
sakit na coronavirus (COVID -19), nagkatipon tipon ang buong House of
Representatives na para talakayin ang House Bill No. 6616 o ang tiantawag na
“Bayanihan Act ng 2020”.
Sa ilalim ng
House Bill No. 6616, pinapayagan nito ang Pangulo na mag-bigay ng parakaran,
regulasyon, at mga direktiba na kailangan para isagawa ang nararapat (“issue
such rules, regulations and directives as may be necessary to carry out”) sa
kanyang kapangyarihan tulad ng pagpapatupad ng mga hakbang upang mapigilan ang
paglipat ng virus sa mga tao, pagpapabilis ng medical testing para sa mga PUI
(person under investigation) at PUM (person under monitoring), at ang paglapat
ng mabilisang lunas para sa mga pasyente ng COVID-19.
Gayon din,
dapat seguradohin ng Pangulo na ang mga Local Government Units (LGUs) ay
susunod sa mga direktiba ng national government na nakahanay sa responde sa
nasabing pandemic.
Dagdag pa
dito, ang Pangulo ay maaring mag “reprogram, reallocate, and realign any
appropriation” sa 2020 national budget kung ano man ang hangarin ng Pangulo na
makabubuti at importante para sa mga tao bilang isang responde sa COVID-19
emergency.
Bukod dito,
ang Pangulo ay maaring magbigay ng direktiba sa operasyon ng kahit anong
pribadong ospital, medikal, pasilidad pang-kalusogan, hotels, at ang mga
kaparehas na establisyemento nito para matirhan ng mga health workers. Ang mga
establisyementong ito ay maaaring magsilbi bilang lugar para sa kwarantenas,
medical relief, at lokasyon para sa pagpapamahagi ng tulong. Kasama rin ang
pagbibigay ng direktiba sa mga pampublikong transportasyon para sa emergency na
sitwasyon, at makapag hatid ng ligtas sa mga health workers lalong lalo na ang
mga front liners.
Nakasaad din
sa bill na kung ang isang enterprise ay tumanggi o nagpahiwatig na wala na
itong kakayahang paandarin ang kanilang mga enterprise para sa hangarin, maari
nang i-takeover ng Pangulo ang operasyon nito na mayroong limitasyon at
pangalagaan na nakasaad sa Konstitusyon. (“if the foregoing enterprises
unjustifiably refuse or signified that they are no longer capable of operating
their enterprises for the purpose stated herein, the President may take over
their operations subject to the limits and safeguards enshrined in the
Constitution.”)
Nakasaad din
sa bill na – “In order to optimize the efforts of the President to carry out
the tasks needed to implement the aforementioned policy, it is imperative to
grant him emergency powers subject to such limitations as hereinafter
provided.”