Monday, March 23, 2020

WAG MANIWALA SA MGA TSISMIS - Pahayag ng Malacañang




MANILA, Philippines -   Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko nitong Lunes na wag maniwala sa mga tsismis na kumakalat sa social media na magpapa-lala pa ng sitwasyon sa pagpigil sa mabilis na pagkalat ng coronavirus (COVID-19). Pahayag naman ni Spokesperson Salvador Panelo na nagpatawag ang Pangulo ng isang special session sa Kongeso para mabigyan sya ng dagdag na kapangyarihan sa limitadong panahon lamang.

Ayon pa sa pahayag ni Panelo, nakiusap lang ang Pangulo sa Kongreso na ipasa ang batas na papayagan syang magsagawa ng mga importanteng bagay at hakbang para sa kakulangan ng publiko sa kalusugan.



“We appeal to our countrymen not to listen to any false news or untrue information designed not only to mislead but also to create panic and anxiety. The right to exercise powers necessary and proper to carry out a declared national policy.” – Panelo.

Dagdag pa aniya, ang kapangyarihan ay hindi buo sa kadahilanang ang Kongreso ay maaring magbigay ng mga limitasyon sa tiyak na mga oras lamang.

Kumakailan lang, naihayag ni Panelo at ni Senate President Vicente Sotto III na ang nasabing session ay hindi pinatawag para mabigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na mag deklara ng emergency rule.
Pahayag ni Sotto - “It’s completely wrong to say ‘the President is asking for emergency powers. Nothing in the draft mentions emergency powers.”

Humiling din ang Malacañang ng kapangyarihan na papayagan ang gobyerno na pansamantalang pumalit sa mga pribadong negosyo katulad ng hotels, pampublikong sasakyan, at telecommunication entities. Bukod dito, mabibigyan din ang Pangulo ng kapangyarihang mag require sa mga negosyo na gawing prayoridad at tumanggap ng kontrata para sa mga materyales at serbisyong may relasyon sa responde ng gobyerno laban sa COVID-19.

“The authority sought may include permitting the president to fund projects calculated to respond swiftly to the evolving health crisis, as well as allowing him to re-align funds in the national budget.” – Dagdag ni Panelo.


“They are to be channeled to where they are needed to effectuate the success of the national objective of eliminating the grave threats facing the nation and satisfy the food requirements of those economically dislocated by reason of the forced home quarantine specially those belonging to the marginalized or vulnerable sectors of society during its implementation.– Panelo.

Sa mga karagdagang pahayag, nasabi rin ni Panelo na ang Pangulo ay may karapatang gumamit ng kapangyarihan na dapat at tama para sa pagsugpo ng pagkalat ng virus sa ilalim ng konstitusyon.

“The president is utilizing all the resources of the government to secure the safety of all Filipinos. Let us join hands in solemn prayers for our health front liners who daily put their lives on the line as they treat those who have the virus.” – Panelo.

Ayon naman kay Spokesperson for the vice president Barry Gutierrez - “We expect that the House and the Senate will discuss the Executive’s proposal thoroughly, and that the final version of the law will allow government to take timely and effective action to ensure the health and safety of all Filipinos during this crisis, while including a clear policy direction and adequate safeguards against abuse.”