MANILA, Philippines –
Pahagayag ng pinuno ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose
Maria “Joma” Sison na ang mga rebeldeng
New People’s Army (NPA) ay hindi makaugaga sa paglaban sa coronavirus disease o
COVID-19. Dahil dito, naiulat na wala na silang oras para umatake sa pwersa ng
gobyerno.
“The CPP,
NPA and NDFP (National Democratic Front of the Philippines) are extremely busy
now trying to fight the Covid-19 pandemic which Duterte and his gang allowed to
enter and spread in the Philippines.” - Ito ang sabi ni Joma Sison sa isang pahayag
nitong Linggo ng hapon. Ayon pa sa ulat, kasalukuyan syang nasa base sa niya sa
Utrecht, Netherlands ng mga oras ding yaon.
Pahayag naman ni Sison na sumasagot sakatanongan kung maglulunsad ba ng pag-atake ang
mga rebelde na NPA laban sa pwersa ng gobyerno sa gitna ng COVID – 19.
Nilinaw
naman ni Sison na ang mga kumunistang rebele ay handang ipagtanggol ang
kanilang mga sarili kung sakali mang atakehin sila ng pwersa ng gobyerno.
“At the
same time, according to the NDFP and the CPP, the NPA is ready to defend the
people whenever any unit of the AFP, PNP and paramilitary forces attacks them.” – Sison.
Inakusahan
naman ni Presidential Peace Adviser Carlito Galves Jr. ang mga rebeldeng NPA sa
pagpaslang kay Manobo tribal Chieftain Datu Bernardino Austidillo at Zaldy
Ibanez. Ang dalawang Chieftain ay dating rebelde at napaslang nitong Huwebes ng
gabi, isang araw matapos pormal na magdiklara ng Pangulong Duterte ng ceasefire
sa San Miguel, Surigao del Sur.
Sa
kaparehas ding gabi, isang grupo din ng rebeldeng NPA ang naiulat na nanggulo sa
isang patrol base ng Citizen Armed Force Geographical Unit o CAFGU sa lungsod
ng Guihilngan sa Negros Oriental.
Nito
lamang Miyerkules, pormal na dineklara ng Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto
muna ang operasyon ng pwersa ng gobyerno laban sa mga kumunistang rebelde
simula sa March 19 hanggang April 15 bagamat ang Luzon ay nasailalim ng
enhanced community quarantine para malabanan ang COVID -19.
Subalit
inilarawan ni Sison ang diklarasyon ng Pangulo na “premature” at isa lamang
psywar trick.
PInanatili naman ng CPP na hindi umano kailangan ng NPA ang “ceasefire” sa gobyerno para tumulong sa pagsugpo ng nasabing sakit.