Sunday, March 22, 2020

PRESIDENT DUTERTE: Certifying As Urgent The Still-Unnumbered Bill Seeking To Declare A National Emergency



MANILA, Philippines, March 22, 2020 – Hinabol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na mag-diklara ng national emergency sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa ating bansa. Bukod dito, pati na rin ng emergency powers para mabigyan ng kaukolang pansin ang nasabing sitwasyon ng publiko at ang kanilang kalusugan.

Sabi ng Pangulo sa sulat na para kay Senate President Vicente Sotto III, gagarantisahan niya bilang “urgent” ang mga hindi pa nabibilang na Senate bill kung saan naghahanap ng pagdeklara ng national emergency sa bansa at ang pagsasama ng patakarang nasyonal.

Kasama pa dito ang pakay ng panukala na bigyan si Pangulong Duterte ng awtoridad na gamitin ang "kapangyarihan na kinakailangan at tugma" para sa implementasyon patakaran sa maikling panahon lamang. Nabanggit din na ito ay may limitasyon.



Ayon din sa panukala, habang ang gobyerno ay nagsusumikap na sugpuin ang pagkalat ng novel coronavirus, tuloy-tuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga naitalang positibo sa nasabing sakit. Dagdag pa dito, kailangan na mabigyan ang Pangulo ng Emergency Powers sa madaling panahon para maibsan ang pagkalat ng sakit, mabigyan ng tulong ang mga taong naapektohan nito, at para na rin makapagbigay ng medikal na atensyon sa mga pasyente.

"By reason thereof, and in order to optimize the efforts of the President to carry out the tasks needed to implement the aforementioned policy, it is imperative to grant him emergency powers subject limitations," nakasaad sa sulat.



Bukod pa dito, nakasaad din sa sulat na ang isa sa mga kapangyarihang ipagkakaloob sa Pangulo ay ang panandaliang pag-palit o pagbigay ng direktiba sa operasyon ng mga pribadong kagamitan o negosyo na nakakaapekto sa interes ng publiko.

Kasama sa nasabing pribadong negosyo ang mga hotels at iba pang kaparehas na establisyemento nito. Ito ang magsisilbing tuloyan ng mga health workers at  lugar para sa kwarantenas pansamantala. 

Dagdag din dito ang mga pampublikong transportasyon para makapagdala ng dagliang taohan tulad ng health personnel at iba pang mga tao. Kasama rin ang pangangasiwa ng telekomunikasyon para sa tuloy tuloy na komunikasyon ng gobyerno at publiko.



Ang bill ay naglalayon ding bigyan ang Pangulo ng karapatan na kumuha ng mga PPE, gamot, at iba pang pangangailangang medikal kung kinakailangan. Ang hakbang ay magbibigay rin sa Pangulo ng awtoridad na maisaayos ang trapiko, at limitahan ang operasyon sa dagat, lupa, himpapawid, atmga rail transportation pribado man ito o pampubliko.

Pahihintulotan din nito ang Pangulo sa mga sumusunod - "reprogram, reallocate, and realign any appropriation" sa 2020 national budget kung ano man ang maging layunin ng Pangulo hanggat kailangan ito para malabanan ang pagkalat ng COVID-19, at ang pagkansela ng mga programa at proyekto para makapagtipid.

Nagpatawag naman ng special session ang Pangulo sa Lunes ng 10 a.m kasama ang senado at House of Representatives para talakayin ang mga hakbang tungkol sa banta ng COVID-19.