Photo Cridit to waterbucket |
MANILA, Philippines – Nagbigay ng donasyon ang
Iglesia Ni Cristo sa Quezon City government ng 5 million pesos bilang tulong sa
mga mahihirap na residente ng siyudad na nahahaharap sa pagsubok na dulot ng coronavirus disease 2019 o
COVID-19.
Personal na natanggap ni Quezon City Mayor Joy
Belmonte ang donasyon mula kay INC General Auditor Glicerio Santos Jr. sa INC
Central Office, Diliman, Quezon City nitong Sabado ng Marso.
Ayon sa ulat nitong March 21 lamang, naitala ang
lungsod ng Quezon na may pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases. May 44 itong
kumpirmadong kaso ayon sa statistics na binigay ng Inter-Agency Task Force ng
gobyerno.
Nabanggit din ng INC na maraming mahihirap na
residente ang lubhang naapektohan ng pag suspende ng mga operasyon ng
pampublikong transportasyon at pati na rin ng pansamantalang pagsara ng mga
establisyemento ng mga negosyo dahil sa pagsasailalim ng Enhanced Community
Quarantine para naman mapigilan ang pagkalat ng virus.
Dahil dito, nabigyan ng hudyat si INC Executive
Minister Eduardo V. Manalo na magbigay ng tulong pinansyal sa gobyerno ng
lungsod – INC.
Pinabatid naman ni Belmonte na ang donasyon mula
sa INC ay napakalaki ng maitutulong sa mga tao lalong lalo na sa mga panahong
ito na ang gobyerno ng lungsod ay salat sa pinansyal na pangangailangan para
makalikom ng pagkain, medisina, at mga kagamitan para sa pag-iingat lalo na’t
karamihan sa mga biktima ng virus ay mga senior citizens.
“Wow, thank
you! Kayo po ang pinakamaraming binigay po sa aming lungsod. I’m very grateful.
Please accept, from the bottom of my heart, my heartfelt gratitude to you.”
Wika ni Belmonte sa isang opisyal ng INC.
Smanatala,
nakasaad naman sa social media page nito - “The Church Of Christ extends its
helping hand wherever and whenever it is needed. This is to uphold God’s
commandment of helping our fellowmen. The Church has reached 158 countries,
many of which have already been affected by the COVID-19 virus. The Church
Administration strives to extend to these countries the help that they need to
overcome this pandemic that is crippling the world.”