Sunday, March 22, 2020

BARANGAY OFFICIALS na NANININGIL ng Bayad para sa PASSES at FOOD STUBS, SUSUNDAN ng DILG





MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na susundan nila ang kilos ng mga abusadong local government units (LGU), pati na rin ang mga brangay officials na nagsasamantala sa enhanced community quarantine sa pamamagitan ng pag pagpapalago ng pera para sa sariling kapakanan.

Pahayag ni DILG Secretary Eduardo M. Año, kapag napatunayan na sangkot ang mga LGUs at barangay officials sa illegal na gawaing ito, seguradong sila ay masuspende o makulong sa kadahilanang ang kanilang mga aksyon ay tiwali at labag sa pag-serbisyo sa publiko. Dagdag pa ni Año, hindi ito mainam na aksyon lalo na sa panahon ngayon na may public health emergency.


"Mahiya kayo sa mga balat ninyo. Sisiguraduhin ko na makukulong ang mga abusadong ‘yan na nakuha pang manloko ng mga kababayan nila sa panahon ng krisis na tulad nito. You are expected to help your people not cause them more sufferings," dagdag ni Año.

Nitong nakaraan lamang, nakatanggap ng mga reklamo ang DILG hingil sa ilang barangay officials na nagbebenta umano ng quarantine passes sa mga taong dapat bigyan nito. Bukod dito, may ilan din na nag hahanda ng checkpoints sa kalsada at highways at magpapahinto sa pag pasok ng mga cargoes at food deliveries kung walang barangay-issued na passes.

Pahayag pa ni Año,ang ibang report pa ay tumutuligsa sa mga barangay officials na naniningil umano ng bayad para sa food stubs at gate passes na nagbibigay ng daan sa mga mamamayan na lumabas at pumasok sa kanilang barangay para makabili ng pangangailangan.

Lahat ng gawaing ito, pahayag ni Año, ay ilegal at hindi ito papalagpasin ng batas. Lahat ng lokal na opisyales ng gobyerno mula governor hanggang barangay kagawad ay mahaharap sa parusa kung mapatunayang nagkasala.

"We will impose the law. Wala po kaming kikilingan kahit mayor ka pa o kapitan ng barangay basta napatunayang ikaw ay may sala in proper due process, mananagot ka." - Año.


Sabi pa ni Año, walang kahit na sinong opisyal ng barangay ang may karapatang magpahinto ng cargo at pag deliver ng pagkain - at kahit na anong importanteng pangangailangan ng tao saan man sa bansa. Dagdag pa niya, maaring humingi ng tulong ang barangay sa kani-kanilang mayor o governor kung kailangan ng pondo para sa krisis na dulot ng COVID-19.

Naglunsad ang DILG ng Emergency Operations Center hotlines para sa mga taong nagnanais tumawag sa departamento ng gobyerno kung sila ay may reklamo sa mga lokal na opisyales sa kanilang barangay, na nananamantala sa ating mga kababayan sa gitna ng krisis.

"Ito po ay mga ulat na amin nang natanggap at patuloy na natatanggap kaya tinitiyak ko po sa ating mga kababayan na walang makalulusot dito. Mananagot po ang mga abusadong ito sa batas,"  - Año.

Samantala, dalawang punong barangay naman ang nakondena sa lungsod ng Taguig sa kadahilanang naninigngil ito ng P50 bago payagan ang mga tao na makalabas sa barangay.

Samantala, binigyang diin ni Año na kailangang panatilihin ang pagrespeto sa karapatang pantao lalong lalo na sa oras ng curfew.

"Para sa ating mga pulis at pinuno ng barangay, ang ECQ po ay para matiyak na hindi po kakalat ang COVID-19 hindi para bigyan kayo ng pagkakataon na labagin ang karapatang pantao ng ating mga kababayan na dapat ay inyong pinaglilingkuran." – Año.

"While the DILG directed all LGUs to strictly enforce the guidelines of the IATF-EID during this time of national emergency- including the observance of curfews, we remind all local officials that degrading and inhumane punishments are prohibited by no less than the Constitution, - Dagdag pa niya.