Saturday, March 21, 2020

BAYAN, Nais Panagutin ang Gobyerno sa Mabagal na Pag-kilos para Pigilan ang Pagkalat ng COVID-19




MANILA, Philippines – Nais panagutin ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang mga opisyal ng gobyerno pati na rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkabigo nitong pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa naturang bansa.

Ayon sa ulat, meron nang naitalang 307 ang DOH na kompirmadong kaso ng COVID-19  at 19 naman ang nasawi dito samantalang 13 na ang nakaligtas sa mga ito.

Ayon kay Bayan secretary general Renato Reyes, nananawagan umano ang Bayan para sa isang angkop na protesta para magkaroon ng sapat na aksyon ang gobyerno sa pag responde sa krisis. Ito ang naging pahayag ni Reyes ngayong Sabado.



“Bayan called for appropriate forms of protest actions to push the government to adequately respond to the crisis.” – Renato Reyes.

Pahayag pa niya na sa pamamagitan ng pinaigting na community quarantine na sinailalim sa buong Luzon, mas maigi umano ang lumahok ang mga ito sa pamamagitan ng social media kesa sa magtipon-tipon bilang isang malaking grupo.

Dagdag pa dito, naglungsad ang Bayan ng isang kampanya laban sa COVID-19 na dapat umanong ipatupad ng gobyerno sa kooperasyon ng mga mamamayan at mga grupo na may kapasidad gawin ito. Ang kampanayang ito ay hahatiin sa dalawang hakbang at grupo.

Ang unang hakbang ay ang para sa kalusogan at ito ang nakasaad:


1. Adequate budget for free testing, treatment and containment of COVID-19 as well as rehabilitation of health services

2. Free and systematic mass testing for COVID-19, prioritizing PUIs, PUMs, and those in high infection areas

3. Additional equipment, supplies and personnel for hospitals

4. Community-based sanitation and quarantine centers

5. Support and protection for frontline health personnel

6. Improved systems to address COVID-19 down to the community level.

Ang pangalawa naman ay ang Socio-economic:


7. Prohibit layoffs and provide assistance to affected workers

8. Emergency relief packs and other assistance to the poor

9. Moratorium on payments and penalties for basic utilities and services, including rent and loans

10. Price controls and adequate supply of basic goods and services

11. Adequate transportation for those who need it

12. Prohibit demolition of informal settlers and provide shelter to the homeless.

“The group urged its members to support frontline personnel and agencies against COVID-19, as well as organize volunteer brigades to hold information, sanitation and disinfection, and relief drives in the community.” – Reyes.