Saturday, March 21, 2020

Pangulong Duterte sa mga LGUs: SUNDIN ANG PATNUBAY





MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa ating nasyon na sundin ang mga alituntunin na ibinigay ng national government para pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Gayon pa man, nanawagan din ang Pangulo sa mga local government units (LGU) na magkaisa sa pagpapatupad ng panukala para hindi na lumala pa ang sitwasyon ng bansa sa pamamagitan ng pag pigil sa mga tao na lumabas ng mga kani-kanilang tahanan bilang parte ng enhanced community quarantine.

Ilang araw na ang nakaraan, ang Luzon ay nasa ilalim ng striktong kwarantenas na kung saan kinakailangan ng lahat na huwag munang lumabas ng tahanan para maiwasan ang paglipat ng virus sa mga tao, ito ang pahayag ng Pangulo matapos ang isang pagpupulong kasama ang miyembro ng Inter-Agency Task Froce para sa Management of Emerging Infectious Diseases, na ginanap sa Malago Clubhouse sa Malacañang nito lamang Huwebes ng gabi.



“At this time I do not think it is just a quarantine… I think that we are already in the stage of a lockdown simply because the contagion continues to take its toll in the countryside,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Sa pangunang desisyon ng Pangulo, ang NCR ang unang nagkaroon ng community quarantine na kung saan mahigpit ang panukala ng bawat lugar sa buong Metro Manila. Kumakailanlang, sa kadahilanang tumataas ang bilang ng mga PUI at PUMs, nilunsad na ang enhanced community quarantine sa buong Luzon. Dahil dito, ipinahinto ang lahat ng operasyon ng mga byahe kasama na rin ang pagsasara pansamantala ng mga negosyong hindi nagbibigay ng pangunahing pangangailangan ng tao.


Heto ang mga Pahayag ng Pangulo:


“We are in a critical time. We have resorted to this extreme measure of an enhanced quarantine for Luzon, because the magnitude of the threat that we are facing calls for it.”

“By its nature, it severely restricts the freedom of movement of our countrymen, and thus deprives many people of the ability of earning a living for the coming weeks.”

“In the coming days, we will need the help of the LGUs more and more. So I want to make this clear early on. Let us work together to implement this quarantine, and it should all begin with the LGUs making sure that your actions are consistent with the national directives. To do otherwise would sow confusion.”

“All over the world, there is confusion and chaos already because of these lockdowns. We are not the only ones into it. All countries of the world, as a matter of fact, are doing it. And that is why it adds more trouble than what is already there that we can handle.”

“We are not alone. But let our country lead the way in imposing a lockdown (that)is strict enough to effectively kill COVID-19, liberal enough so that our people will not die of hunger and orderly enough so that our country will not be driven towards chaos during this difficult time.”

“I am ordering all LGUs that are doing this to stand down, and to abide by the directives of the IATF, the task force, not mine but the task force, and those issued by the Office of the President. And to make sure that what the IATF says should be closed, is closed, and those that should be open, stays open.”

“You know, the only reason why you can impose these quarantine restrictions and impose it on everyone passing [through] your areas, is because the national government is allowing you to do so,” he said. “But if you go beyond the standards that we have set, you are abusing your authority, and you know that it can lead to – administrative cases or even worse, unless you stop what you are doing and [cooperate] fully. Criminal cases cannot be far behind.”

“I am therefore directing the DILG and DOJ (Department of Justice) to closely monitor the compliance of LGUs with the directives of the office and to file the necessary cases against wayward officials.”


Sa kanyang talumpating ito, inatasan ng Pangulo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na seguradohin ang pagsunod ng mga LGUs sa mga guidelines. Dagdag pa niya, maaring masampahan ng nararapat na kaso ang mga opisyales na lumabag dito.

Samantala, pahayag naman ni Spokesperson Salvador Panelo na hindi papalagpasin ng national government ang paglabag sa mga panukala - “Errant local officials will face administrative sanctions and criminal prosecution. The LGUs’ actions must be in sync and in unison with the national government’s directives in this state of national health emergency and calamity.”

Sa kabilang ulat naman, tinanggi ni Malaya na ang mga pahayag ng Pangulo ay hindi para kay Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang pag-giit na gamitin ang mga pampublikong tricycle. Dagdag pa ni Malaya, maliit lang na isyu ito.

Nilinaw ni Interior Secretary Eduardo Año na ang transportasyong pampubliko ay hindi maaring gamitin habang nasa lockdown pa.