MANILA, Philippines – Pinahintulutan
ang e-tricycle ng lungsod ng Maynila na mag tumakbo dahil ang serbisyong naibibigay
nito ay mainam sa transportasyon ng tao lalong lalo na sa mga helath workers.
Ito ang naging paliwanag ng Department of the Interior and Local Government
(DILG) nitong Biyernes lamang.
Ayon kay DILG Secretaruy Eduardo Año,
maykaiba ang pag arkila ng mga e-tricycle na ito kumpara sa pagbibigay ng
pahintulot na pumasada ang mga tricycle ng kanila lang. Dagdag pa ni Año, ang
operasyon ng tricycle ay hindi makakatulong sa pag pigil ng pag-galaw ng tao
kagaya sa ngyayari sa lungsod ng Pasig.
“The difference kay mayor ng Manila, yung e-trike, e-vehicles ay
hindi pumapasada. Ito ay hinire o cinommission ng Manila on dispatch system for
the purpose of bringing health workers to the hospital,” sabi ni Año sa isang
briefing.
Naitalang mayroong 189 e-tricycle na papahintulutan ng lokal na
gobyerno ng Maynila para magamit bilang sasakyan ng mga health workers papuntan
sa mga pampublikong ospital, habang nakasuspende pa ang mga pampasadang
sasakyan.
Ang mga nasabing e-tricycles naman ay matatalaga sa mga distritong
ospital ng lungsod, Gat Adres Bomefacio Memorial Medical Center, Ospital ng
Tondo, Justice Jose Abad
Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila, at Sta. Ana
Hospital, para pagsilbihan ang mga frontliners o mga medical workers.
Ayon pa
kay Año, ang mga e-tricycles na ito ay may destinasyon na kung saan magsusundo
ng mga health workers.
“They are
on dispatch system to pick up the health workers specifically. Hindi yung
pumipick up ka ng pasahero at alam mo naman, pag pinayagan mo mamasada kahit
konti lang yan, you can’t control it anymore,” – Año.
Kumakailan
lang, pinahintulutan ng Pasig City ang operasyon ng tricycles para magbigay ng
serbisyo sa mga health workers at mga pasyente na nangangailangan ng atensyong medical.
Ang
hakbang na ito ay hindi sinangayunan ng DILG sa kadahilanang ang publiko ay
maaring madala ang mga tricycles na pumunta sa mga kani-kanilang destinasyon.
Samantala,
sabi naman ni Vico Sotto na susundin nila ang mga palatuntunan. Binibigyan
lamang nila umano ang gobyerno ng ideya kung ano ang mga nakikita nito sa
kanilang sitwasyon.
Dagdag pa
ni Año, ayaw nyang matuon lamang ang pansin ng AFP at PNP sa pag susuri ng mga
tricycles sa loob ng lungsod.
“Of
270,000 tricycles, sabihin natin 100,000 tricycles, I don’t want the AFP and
PNP to check 100,000 tricycles every moment just to check kung sino ‘yung
sakay. I’d rather have them focus their efforts on keeping the people stay at
home.” – Año.