Photo From Manila City Jail FB page |
MANILA,
Philippines – Dahil sa pagkalat ng COVID-19, hindi lang nito naapektohan ang
pagkilos ng mga tao kundi pati na rin ang sitwasyon sa loob ng bilangguan. Ang
mga PDLs (Persin Deprived of Liberty) sa Manila City Jail ay napalayong lalo sa
kanilang mga mahal sa buhay dahil sa dulot ng enhanced community quarantine. Sa
paraang ito, hindi sila maaring dalawin ng mga nila sa buhay.
Dahil sa
pagbabawal ng mga bisita sa mga PDLs, ginawang prayoridad ng city jail ang
e-Dalaw, kung saan maaring makausap ng mga inmates ang kani-kanilang mga mahal
sa buhay gamit ang computer sa pamamagitan ng pakikipag usap online.
Photo From Manila City Jail FB page |
Ayon sa
Sistema ng city jail, 500 na PDLs ang maaring gumamit ng kahit saan sa sampung
(10) mga computers sa loob ng 10 hanggang 15 minutong pakikipag-usap sa mga
mahal nila sa buhay. Ang paggamit naman ng mga computers ay may maaring gamitin
araw-araw simula 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon.
“We are
doing this to boost the morale of our PDLs and lessen the loneliness they feel
inside the facility. The temporary suspension of visiting privileges during the
lockdown might trigger certain emotions especially since they treasure the
visits very much,” pahayag ng Manila City Jail public information officer na si
Nelmar Malimata.
Photo From Manila City Jail FB page |
Bago pa man
naging panukala ang lockdown, pinapayagan pa ang mga kamag-anak ng mga inmates
na dalawin ang mga ito simula 10 ng umaga hanggang 4 ng hapon mula martes
hanggang linggo, samantalang 8 ng umaga lamang hanggang 4 ng hapon tuwing
weekends.
Ayon pa kay
Malimata, nag pamunoan ng city jail ay nautosang gawin ang nakasaad sa absolute
lockdon. Dahil dito, wala nang maaring lumabas o pumasok sa nasasakupan maliban
sa mga taong nagdadala ng mga mahahalagang bagay kasama ang mga taga-kolekta ng
basura.
“Since we
cannot observe social distancing inside Manila City Jail, we instead formed a
task force consisting of various teams that [carry out] precautionary measures
in the facility, such as educational talks on hygiene and how to prevent the
spread of COVID-19,” sabi ni Malimata.
“Right now,
we are trying to utilize our jail personnel with a background in medicine for
our medical infirmary,” dagdag pa niya.