Wednesday, April 1, 2020

"Bakit kailangan arestuhin ang mga nagugutom at humihingi ng pagkain?" - BAYAN





MANILA, Philippines – Kinundena ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang pag aresto sa mga residente ng Sitio San Roque Quezon City matapos ito maiulat na nagpulong-pulong para mag protesta para sa ayuda na hindi pa dumadating sa kanila sa gitna ng emerhency sa COVID-19.

"Bakit kailangan arestuhin ang mga nagugutom at humihingi ng pagkain? Masasagot ba ng pandarahas ang kalam ng sikmura nila? Sila ba ay hahayaan na lang nating tahimik na mamatay sa gutom?" ito ang pahayag ni BAYAN Secretary General Renato Reyes.



Ayon sa ulat, inaresto ng mga pulis ang 21 katao na sinasabing miyembro ng Samahan ng Maggkapitbahay nang ito ay tumangging umuwi sa kani-kanilang tahanan. Mas mabuti umano na humingi na lamang ng mga pangangailangan sa kanilang LGUs matapos ang isang oras ng negosasyon ng mga awtoridad dito.

Dagdag pa sa ulat ng pulis, nasa stado umano ang mga nagprotesta sa kustodya ng Criminal Investigation and Detection Unit ng lungsod dahil sa hindi angkop ang kanilang pag-file ng reklamo.

"Nasaan ang P200 billion na nakalaan para sa economic assistance? At bakit police action ang unang sagot sa mga hinaing ng mga nagugutom? Ano ang tindig ng Mayor, ng IATF, at iba pang ahensya? Bakit dahas ang sinasagot sa mga nagugutom?"  - Sabi ni Reyes.



Dagdag pa ng opisyal ng BAYAN na kusang –loob umano ang protesta at hindi dinaluhan ng mga maralitang grupo na KADAMAY.

"It was a local organization, gutom lang talaga." – Reyes.

Kumakailan lang, nagpahayag si Quezon City Mayor Joy Belmonte na ang LGU ay mamimigay ng 400,000 food packs kada linggo habang ang Luzon ay nasa ilalim ng enhanced community quarantine.

Dagdag pa ng alkalde na kada pakete ng pagkain ay sapat sa mga pamilyang binubuo ng lima sa laat ng barangay ng lungsod. Ang Quezon ay mayroong 142 barangay.

Samantala, ang lungsod ng Quezon ay may naitalang 151 kaso ng COVID-19, 27 dito ang mga nasawi, at 11 naman ang nakligtas.