Manila, Philippines – Tinalaga nii Pangulong Rodrigo Duterte ang Office of Civil Defense (OCD) bilang tagapag-pangasiwa ng donasyon para sa gobyerno na gagamitin sa pagresponde para sa COVID-19.
Nag labas na ng utos ang Pangulo sa pamamagitan ng Administrative Order 27, na namamahala ng pagtanggap ng mga pagdadala at pagpapamahagi ng mga gamot, kagamitang pang medikal at supply, at mga produktong pangkalusogan na binigay bilang donasyon ng foreign governments, pribadong sector, non- government na organisasyon o grupo ng indibidwal sa national government at sa Department of Health (DOH).
Ayon sa order nitong March 31, ang OCD ay kailangang maghanda ng imbentaryo ng lahat ng donasyon para sa national government at ng DOH, at dapat itong makipag-koordina sa mga ahensyang may kaugnayan dito tulad ng mga departamento ng Labor and Social Welfare kung saan nangangailangan ng medical goods ang mga pasilidad pangkalusogan at mga establisyemento.
Ang mga direktang donasyon sa ahensya at ospital ay pinahihintulotan din bagamat ito ay nararapat na maiulat sa OCD ng agaran.
Inatasan din ang Department of National Defense (DND) na mag bigay ng logistical support sa OCD para maseguro ang pagbibihay at pagpapadala ng mga gamot na donasyon, medical equipment ang supply, at iba pang produktong pangkalusogan.
Dagdag pa sa ulat, pangangasiwaan naman ang ni Presidetial Peace Adviser and Chief implementer ng national policy laban sa COVID-19 Carlito Galves Jr ang pagsasama, pagmamahala, imbentaryo, at pag -tala ng pamamahagi ng mga donasyon.
Isusumite naman ng OCD ang linggohang ulat sa Opisina ng Pangulo kung anong aksyon ang ginawa sa nasabing order.