Manila,
Philippines – Hinimok ni opposition senator Antonio Trillanes IV si Foreign
Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na huwag magtoon ng malaking oras sa
social media, bagkus, dapat umano nitong pagtuonan ng pansin ang kanyang
trabaho bilang isang top diplomat ng bansa.
Binigay
umano ni Trillanes ang hindi naman hinihinging payo matapos ibunyag ni Locsin
sa Twitter ang sinasabing passport data breach na binawi naman nya ito
kumakailanlang.
“Masyado
siya nakababad sa social media, sa Twitter in particular, tapos pinapatulan
niya kung anu-anong komentaryo doon. Sa akin focus muna siya sa trabaho niya.
It can consume him eh. It’s just an unsolicited advice,” pahayag ni Trillanes
sa mga reporters.
Ayon naman
kay Locsin noong nakaraang linggo, itinakbo ng French contractor Oberthur
Technologies, na nagbibigay ng suporta sa printing machines, ang personal na data
ng passport renewal system sa kadahilanang hindi ito nasiyahan sa pagwawakas ng
kontrata nito sa gobyerno.
Lumabas
lamang ang isyu ng data breach matapos magreklamo kay Locsin ng isang Filipino
worker sa Twitter na pinapa-sumite umano siya ng birth certificate nang nag apply
ito para sa passport.