Manila, Philippines – Nagpahayag ang Malacañang na inatasan
ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)
na mamuno sa pagbibigay ng relief assistance sa mga maralitang pamilya upang
mapigilan ang mga lokal na opisyales na gamitin ang programa para sa politilka.
Ayon naman kay Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang
virtual press conference, gusto aniya ng pangulo na maging patas ang lahat at
ayaw nitong nahahaluan ng kahit na anong politika.
Maraming Pilipino lalong lalo na sa Luzon ang nagrereklamo
hingil sa nasabing ayuda na ibibigay ng gobyerno sa kadahilanang hindi ito
nakakarating sa kanila. Sa balitang merong nakalaan sa bawat mahihirap na
pamilya, mas mainam kung ang tulong na salapi ay tiyak na sa kanila ay
mapupunta.
“Hindi po papayag si Pangulo na haluan po ito ng pulitika,
gamitan ito ng patronage politics at hindi siya papayag na may palakasan dito
sa mga pulitiko na mangyayari.” – Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang
virtual conference.
Sa mensahe ng Pangulo nitong Miyerkules lamang, April 1,
binanggit niya ang ilang mga lokal na opisyal sa pangaabuso sa tulong na dapat
ibigay sa mga tao sa gitna ng enhanced community quarantine sa buong Luzon para
maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dagdag pa ng Pangulo, mangunguna ang DSWD sa pamamahala ng
mga relief goods kasama ang chief implementer at Presidential Peace Adviser,
Carlito Galvez Jr., na isa ring chief implementer ng national policy laban sa
COVID-19.
Samantala, ang mga lokal na gobyerno naman ay malilimatahan
sa pagbibigay ng tulong na salapi.