Manila,
Philippines – Binatikos ng mga mambabatas, human rights advocates, at ng mga
grupo ng leftist si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes, April 2, ang
kanyang utos sa kapulisan ng COVID-19 quarantine na ‘shoot and kill’ kung mapatunayang ang protesta ay magiging
badya sa buhay ng mga enforcer.
Sa panig
naman ng awtoridad, mas mabuti kung humingi na lang sila ng kanilang mga
pangangailangan sa LGU kesa magprotesta. Dagdag pa dito, matagal ang naging
negosasyon ng mga awtoridad bago nag nagkagulo.
Samantala,
nagpahayag si Senator Risa Hontiveros na dapat rumesponde ang national
government sa pangangailangan ng publiko lalong lalo na sa mga naapektohan ng
lockdown.
"Ang
mga tao ngayon ay gutom, may sakit, at nawalan ng kabuhayan. Their urgent needs
should be met not w/ death threats, but w/ compassion & concern. Ang
kailangan ng taumbayan ngayon ay pagkain, ayuda, at proteksyon sa mga
frontliners, hindi dahas at pagbabanta.” Ayon sa tweet ni Hontiveros.
Kumakailan
lang, sinumulan na ang ‘Bayanihan to Heal as One Act” kung saan namimigay na ng
mga forms ang kawani ng DSWD para malaman ang kalagayan ng pamilya at kung
makakakuha ba ito ng benepisyo galing sa nasbing act.
Bukod pa kay
Hontiveros, nagpahayag din si senator Kiko Pangilinan na hindi masosoluyonan ng
pananakot ang gutom. Tinanong din ni Kiko kung saan na napunta ang pondo ng
gobyerno para sa pagkain ng mga naapektohang pamilya ng COVID-19. Gayon din ang
grupo ng human rights Amnesty International Philippines at ‘KARAPATAN’ na
nagpahayag kaparehas ng sinabi ni Pangilinan.
Umapela ang
Pangulo sa mga leftist na huwag mang-gulo, kung hindi ay ipapakulong sila.