Manila,
Philippines – Ginawang quarantine area ng Philippine National Police (PNP)
nitong Martes ang Kiangan Billeting Center (KBC) sa loob ng headquarters ng
Camp Crame, sa lungsod ng Quezon, upang tumanggap ng daan-daang PNP personnel
na People Under Monitoring (PUMs) at
People Under Investigation (PUI). Dahil dito, maibubukod ang mga ito sa kanilang
mga kasamahan habang inoobserbahan naman sila sa posibleng pagkahawa sa
impeksyon na dala ng COVID-19.
Ayon kay PNP
spokesperson Brigade General Bernard Banac, ang KBC ay mayroong 43 na kwarto
kung saan naman ang mga naka-kwarantenas ay mabibigyan ng pagkain, libreng
tent, at iba pang serbisyo.
“This
initiative is still part of the organization’s Biosafety Plan, helping our
persons under investigation (PUIs) and persons under monitoring (PUMs)
personnel to have a place where they can stay without worrying about the rent
fee and their meal while in quarantine,” pahayag ni Banac.
Kung
matatandaan, ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa PNP ay tumaas hanggang pito
matapos maiulat na naging positibo ang limang opisyales ng Metro Manila Police
sa COVID-19.
Eto ang mga
larawan ng mga kwarto na gagawing quarantine area ng mga PNP na talaga namang
maayos at malinis.
Photo by: Inquirer |
Photo by: Inquirer |