Manila,Philippines
– Sa talumpati kagabi ng Pangulong Rodrigo Duterte, binanggit nya ang kadakilaan ng mga nasawing health workers ng
bansa. Bukod dito, pinasalamatan nya ang iba pang mga government workers pati
na rin ang mga nagtratrabaho sa pribadong sector.
Binalaan
naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng gobyerno na maari silang
maaresto o masuspende kung gagamitin nila ang COVID-19 aid fund sa maling
paraan.
“Kung
mamulitika ka tapos mabalitaan na 'yon ang nagawa mo, I will suspend you ora mismo.
And for those who are really absconding the money, I will detain you I said.
Maybe I will release you pagkatapos ng COVID. Hindi ako nananakot,”
Dagdag pa ng
Pangulo, ilan sa mga opisyales ng gobyerno ay inaari ang kanilang mga
natatanggap.
“That is not
yours, neither it is mine,” sabi ni Pangulo.
Bukod dito,
kasama din sa talumpati ng Pangulo ang pag implementa ng pagkakaroon ng price
freeze sa mga pangunahing produkto na pangangailangan ng tao. Binigyang diin ng
Pangulo na hindi ito ang tamang oras para kumita at mangolekta.
“The price
freeze on commodities is already in effect and measures to curtail hoarding and
profiteering are already in place. Uulitin ko, hindi ito panahon para kumita.
Hindi ito panahon ng pagsasamantala.” – Pangulong Duterte.
Samantala,
pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang “Bayanihan to Heal as One Act” noong
March 24, na naglalayong bigyan ang Pangulo ng dagdag na kapangyarihan para
masolusyonan ang krisis na dulot ng COVID -19 sa bansa. Sa Act na yaon, may
kakayahan ang Pangulo na ituon ang budget ng taon na ito bilang tulong sa mga mahihirap nating kababayan.
Para naman
sa transparency, sumasailalim din sa batas na ito na dapat magpakita ng weekly
report ang Pangulo sa kongreso tuwing Lunes kung saan idedetalye ang lahat ng
nagawa ng gobyerno sa nakilipas ng linggo para labanan ang COVID-19.